Nang makarating sila sa plaza ay nalula si Freiya sa dami ng tao na kanyang nakita. May mga taong napapalingon sa kanya na para bang nanibago at nabighani sa angkin niyang ganda. Nakasuot ito ng simpleng damit na pinabili niya sa manager niya kagabi. Habang siya naman ay naka itim na sumbrero upang hindi makilala ng mga tao.
"Mas mukhang artista ka pa sakin ah." natatawang sambit ni Hans habang naglalakad sila papasok sa isang coffee shop. "Suotin mo to." inabot niya ang isang kalo kay Freiya. "Para hindi masyadong agaw pansin yang kagandahan mo." tipid na ngumiti si Hans.
"Salamat." ani Freiya.
Napansin ni Freiya ang mga paper bags na bitbit ng lalaki. Mga damit niya siguro ito.
Uupo na sana sila nang may isang lalaki at babae na lubos makatitig kay Hans.
"Hindi ba artista yun?"
"Yung babae?"
"Yung lalaki! Yung sikat na actor na half japanese! Yung action star!"
Napatitig si Freiya kay Hans. "Artista ka daw?" inosenteng tanong nito.
"Talagang hindi mo ako kilala?" umiling si Freiya. "Nevermind. Upo ka muna." agad din naman silang naupo at nagpasyang doon maghintay.
Habang lumilipas ang bawat minuto ay mas lalong dumadagsa ang mga tao sa loob ng coffee shop. May mga palihim na kumukuha ng litrato at video. Si Hans ay napapamura na ng mahina at yumuyuko ng palihim.
"I think it's not safe here." hinawakan niya ang kamay ni Freiya at nagpasyang umalis doon. "Huwag tayo dito, tara."
Sa kasikatan ni Hans ay madali siyang nakikilala kahit ano pang disguise ang gawin nito. Habang hila hila niya si Freiya palabas ay iyon namang dahan dahang pagsunod ng mga tao sa kanya.
Hanggang sa ang mabilis na paglalakad ay napalitan ng mabilis na pagtakbp dahil hinahabol na sila ng mga fans nito. Alam niyang maya maya ay kakalat na ang litrato at balitang ganito sa internet. Nahiya siya bigla kay Freiya na kasama niya tumakbo ngayon, baka makilala at madamay ang babae. Halata pa namang hindi ito sanay sa mga ganitong pangyayari.
Nang makalayo layo sila sa mga tao ay tumigil muna sila sa isang lugar. Isang subdivision na hindi gaanong matao. Ngayon lang din nakakita si Freiya ng mga naglalakihang bahay na magkakasunod. Lumaki kasi siya sa iisa lamang mansion.
Hinihingal pa si Hans habang hawak ang dibdib. "Sorry about that, hindi ko alam na makikilala parin ako." paghingi niya ng tawad.
Gusto magtanong ni Freiya kung ano ba ang trabaho ng isang artista at bakit madami ang nakakakilala rito pero sa halip ay tumango nalang ito at ngumiti.
"Ayos lang." tipid niyang sagot.
Magsasalita palang sana si Hans nang may tumawag kay Freiya sa hindi kalayuan.
"Freiya!" sabay silang napalingon sa isang matandang babaeng puno ng pagaalala palapit sa kanila.
"Manang Esme!" nang makalapit ito ay agad itong yumakap sa dalaga. Agad napaiyak si Freiya.
"Juskong bata ka, saan ka ba nagpunta? Akala namin ay ano ng nangyari sayo, mabuti nalang ay sinabihan ako ni Niña!" lalong humagulgol si Freiya.
Tinapik niya ang likod ng dalaga at hinaplos ang buhok. Maya maya ay humiwalay ito. Kinapa niya ang pisngi nito at pinunasan ang luha ng dalaga. "Ayos ka lang ba? Wala bang nangyari sayo?" umiling si Freiya habang humihikbi.
Agad itong humiwalay sa yakap. "Nasaan po si Niña?"
"Nandoon na sa kotse." sagot nito at agad napatingin sa isang kotse sa hindi kalayuan.
"Uhm, hi ma'am." tikhim ni Hans sa gilid.
Napalingon ang matanda sa binatang nagsalita. "Ikaw pala si Hans, salamat sa pagaalaga dito kay Freiya. Hindi namin alam kung paano magpapasalamat sayo." sambit ni Manang Esme.
"No big deal, aalis naba kayo? Do you have a car or something?" tumango ang matanda.
"Meron iho, maraming salamat talaga. Hindi na kami magtatagal at nagmamadali na kami talaga. Sana ay makapagpasalamat kami ng maayos balang araw." ngumiti lang si Hans.
"Can I come?" napatigil sa pag iyak si Freiya at napatingin sa kanya. "I mean, I have cash or whatsoever, I can help. And I want to know what really happened." paliwanag nito. "I really want to help." pagsumamo niya.
"Gusto man namin iho ay hindi ka namin pwede isama at madadamay ka lang. Isa kang sikat na personalidad at nakita na kita sa telebisyon. Kung sasama ka ay baka makilala lamang ng maraming tao si Freiya." paliwanag ng matanda.
"I can call for securities." sabat ni Hans.
"Hindi mapoprotektahan ng ganon si Freiya, hindi lang ito basta bastang problema. Iho, salamat talaga pero hindi na namin matatanggap ang tulong mo." napaawang ang bibig ni Hans.
Napatitig siya kay Freiya.
"S-Salamat sa tulong mo. Aalis na kami." bigong tumango si Hans.
"Ito nga po pala, mga damit niya. Pinabili ko lang ng isang gabi, baka kailanganin niya parin." abot ni Hans sa mga paper bag na bitbit niya kanina.
Tinanggap naman ito ni Manang Esme. "Salamat iho, napakabuti mo."
"J-Just call me if you need help, again." hinila na ng matanda si Freiya palayo papunta sa isang sasakyan.
Sa huling pagkakataon ay nilingon siya ni Freiya at nginitian. Naiwang nakatayo doon si Hans habang tinitingnan ang papalayong sasakyan kung saan nakasakay si Freiya. Hiling nito ang pag iingat kung saan man ito pupunta. Hiling na muli silang magkita balang araw.
Pagkapasok sa isang sasakyan ay agad nasiyahan si Freiya nang makita sa driver seat si Niña.
"Freiya! Pasensya na at ngayon lang ako nakapunta. Ang hirap makatakas kay Sir Vien." sabi nito at sinimulang mag drive ng mabilis.
"A-Ayos ka lang ba Niña?" pag aalala ni Freiya.
Ngumiti ito at tumango. "Oo naman. Ayos ka lang ba? Kamusta ka sa nakalipas na araw? Maganda naman ba ang trato sayo nung Hans?" sunod sunod na tanong nito.
"Oo, mabait siya Niña. Paano mo siya nakilala?"
"Sikat yon Freiya! Artista yon!" tumango lang si Freiya.
"Mabait siya.." sasabat palang sana ulit si Niña ng senyasan siya ni Manang Esme na tumahimik. "S-Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ni Freiya.
"Sa Leyte, Freiya. May probinsya si Manang Esme doon." sagot ni Niña.
Sa mga ilang tanong at pangangamusta ni Niña at Manang Esme kay Freiya ay maya maya nakatulog ito dahil sa pagod. Hindi na niya alintana ang mga pangamba at grabeng pagod lang ang naramdaman niya sa buong araw. Ilang oras ang tinagal ng byahe mula sa Cagayan De Oro papuntang Butuan. Ito ang plano ni Manang Esme para hindi na masundan pa si Freiya dahil parang anak na ang turing niya dito at gusto niya itong ilayo sa gulo.
Nagising na lamang si Freiya nang tinatapik na siya. Kinusot niya ang mata at nakita niya si Niña na nakangiti.
"Nandito na tayo, Freiya. Tara?" dahan dahan siyang namulat at lumabas ng sasakyan.
Nakita niya ang isang maliit na bahay, malayo sa ibang mga bahay dahil para itong nasa kalagitnaan ng taniman. May nakita siyang ilaw sa hindi kalayuan pero tulad ng nakita niya kanina, wala itong katabing bahay. Puno ng matataas na tanim ang bawat paligid. Tahimik ang lugar, tanging kuliglig lang ang mga naririnig.
Napatingin siya sa buwan, gabi na pala. Ang dating gabi na gustong gusto niya, ngayon ay inaayawan niya na.
"Dito ang probinsya ko, Freiya. Dito muna tayo titira, ayos lang ba sayo ang ganito?" tumango siya kay Manang Esme. "Halika at pumasok tayo." aniya at marahang hinila si Freiya papasok sa loob.
Malinis at hindi ganong kalakihan ang bahay. May dalawang pinto sa dulo.
"Ang isa doon ay kwarto mo, Freiya. Ang isa naman ay sa amin ni Niña." napalunok si Freiya.
"P-Pwede po bang tabi kami ni Niña?" aniya dahil natatakot parin siya mag isa.
"Aba'y oo naman. Niña tabihan mo nalang si Freiya." sambit ni Manang kay Niña.
"Opo!" nakangiting sagot ni Niña.
Kinagabihan matapos nilang kumain tatlo ay nagpasya ng magpahinga. Hindi makatulog si Freiya. Bumabalik sa kanya ang mga pangyayari noong bata pa siya. Nakita niyang nakapikit at mahimbing na ang tulog ni Niña. Ayaw niyang gisingin pa ang babae. Dahan dahan siyang bumangon at pumunta ng sala.
Doon siya tahimik na umiyak habang nakaupo sa isang sulok at yakap yakap ang sarili.
Buong buhay niya ay hindi niya akalaing darating ang ganitong sitwasyon. Akala niya ay masaya siyang namumuhay sa piling ni Vien. Alam niyang si Vien ang tumulong sa kanya para manatili paring buhay hanggang ngayon, pero wala nga ba siyang kasalanan? Anak si Vien ng pumatay sa kanyang pamilya, dapat nga ba siyang magalit?
Lalo lamang naiyak si Freiya sa mga iniisip. Sa kabila noon ay mas nangingibabaw ang pangungulila niya sa lalaki. Iniisip niya kung galit ba ito dahil umalis siya o galit ito dahil nalaman niya na ang totoo.
Gabi gabing ganon lagi ang nangyayari kay Freiya dahil hirap parin makatulog ang babae. Nariya'y binabangungot ito. Hindi ito alam ni Niña dahil kapag ito ay tulog ay napakahirap ng magising ano man ang gawin. Ayos na rin ito kay Freiya dahil ayaw niyang makaabala pa.
Lumipas ang isang linggo at ganon parin ang nangyayari, sa tanghali siya nakakatulog ng mahimbing dahil doon niya napapakiramdamang may kasama siya at walang mangyayari sa kanya. Nanatili siya sa bahay at walang ganang lumabas. Lagi lang man nakatingin sa kawalan.
Isang tanghali ay naglilinis si Freiya at dinaluhan siya ni Niña.
"Ako na riyan! Maraming libro dito, Freiya. Pwede kang magbasa ng kahit ano doon. Tapos mamayang hapon pupunta tayong sapa. Manghuhuli tayo ng isda!" naeexcite na sabi ni Niña.
Bahagyang lumiwanag ang mukha ni Freiya sa huling sinabi nito. "T-Talaga? Mangingisda tayo?" tanong nito.
"Oo, huwag kang mag alala. Walang tao doon sa hapon, at sakop yun ng lupa nila Manang Esme kaya walang basta bastang pumupunta doon." sambit nito na nagpangiti kay Freiya.
Palihim na nagtinginan si Manang Esme at Niña, nagpangiti sila dahil mukhang gusto ni Freiya na mangisda at magandang senyales iyon para hindi magmukmok sa bahay.
Nang pagkahapon ay tinupad nila ang planong magpunta sa sapa. Gaya ng sabi ni Niña, wala ngang tao sa oras na iyon. Napapaligiran ito ng matataas na puno at ang agos ng tubig at mga huni ng ibon ang nagpaganda sa presensya at itsura ng sapa.
Namangha si Freiya at napangiti. Malinis ito napalinaw ng tubig.
Suot ang isang puting bestida, itinaas niya ito ng bahagya upang hindi sumayad ang damit sa tubig nang ilubog niya ang mga paa.
"Ang ganda dito, Niña!" nakangiting sambit niya.
Lalong napangiti si Niña. "Mabuti naman at nagustuhan mo dito, Freiya. Kung gusto mo, punta tayo dito tuwing hapon." nakangiting tumango tango si Freiya at nagsimulang maglakad sa tubig.
Pumunta si Niña sa malalim na parte at doon nagsimulang mangisda.
Napawi ang ngiti ni Freiya nang maalala si Vien. Ginawa din nila ito, hindi niya alam kung bakit bawat lakad niya sa tubig ay lalong gustong gusto niya makita ang lalaki.
Maya maya ay umupo siya sa tubig at hindi na alintana ang pagkabasa ng suot na bestida.
Isang linggo na niyang hindi nakikita si Vien. Ang isang linggo na iyon ay katumbas ng isang taon, grabe ang pangungulila niya rito at sobrang nalulungkot siya. Hindi siya sanay, para siyang naiwan sa kawalan.
"Freiya! Ayos ka lang?" nagaalalang tanong ni Niña.
Hindi na mapigilan ay bigla nalang bumuhos ang luha niya at niyakap ang kaibigan.
"Miss na miss ko na siya, Niña." humagulgol ito at walang magawa si Niña kundi yakapin ito ng mahigpit.
Hindi niya rin alam ang sasabihin dahil mismo siya ay nangungulila din sa kasintahang si Drake. Pero wala silang magagawa, pareho silang nagmamahal ng lalaking masyadong madilim ang mundo.
Halos isang oras umiyak si Freiya at nang maayos ayos na ang kanyang pakiramdam ay tumahimik ito. "Sorry, Niña ah. Miss ko lang talaga si Vien. Pero alam kong mali na mamiss siya, kasi hindi kami pwede." malungkot na sabi ni Freiya.
Alam na ni Niña ang nangyari at ang sitwasyon ng kaibigan kaya naman alam niya ang mga sinasabi nito. Hindi madali ang sitwasyon ni Freiya kaya alam niyang hirap na hirap ito. Mas naaawa siya sa kaibigan kesa sa sarili. Nawalan ito ng alaala at napakasakit ng nakaraan. Bilib parin siya kay Freiya dahil nanatili parin itong matatag kahit minsan ay pansin niyang wala na ito sa sarili at napakalungkot.
"Hindi ako mawawala sa tabi mo, Freiya. Basta susubukan natin silang kalimutan ha?" napatingin si Freiya sa kanya.
"Hindi ba kasintahan mo si Drake?" bahagyang nagulat si Niña kung paano niya nalaman yon. "Nakita ko lang kayong nagyayakapan noon, kasintahan mo ba siya Niña?" napabuntong hininga ang kaibigan.
"Oo, Freiya." sagot nito. "Miss ko narin siya." ngayon ay ito naman ang umiyak.
Wala ring nagawa si Freiya at niyakap ang kaibigan.
Natigil lamang ang dalawa nang nakita nila si Manang Esme.
"Maggagabi na, bakit hindi pa kayo nauwi?" napatingin siya sa dalawang dalaga. Nakuha niya na agad ang nangyari. "Haynako kayong dalawa, huwag kayong magiiyak dyan at umuwi na tayo."
Tumango ang dalawa at tumayo na.
Tinitigan ni Manang Esme ang dalawa at saglit na niyakap. "Lilipas rin ito lahat." humiwalay ito sa yakap at hinawakan ang pisngi ng dalawa. "Tara na at kakain na tayo."
"Opo, Manang.." sagot ni Niña
Naunang maglakad si Niña. Susunod narin sana si Freiya nang makaramdam ito ng hilo. Napatigil siya at muling napaupo sa tubig. Nanlabo ang paningin niya at pinilit ayusin ang postura. Huminga siya ng malalim at muling tumayo. Maya maya ay ayos narin siya pero alam niyang hindi masyadong maganda ang kanyang pakiramdam.
Nakayanan niyang umuwi hanggang bahay. Agad siyang dumiretso ng lababo at doon dumuwal.
Natigilan si Niña at Manang Esme sa mga ginagawa nito.
"Ayos ka lang ba, Freiya?" akmang lalapit si Niña pero lalo itong nasuka sa amoy ng isdang dala nito.
Lumapit si Manang Esme at napatitig sa dalaga.
"Freiya, buntis ka ba?"
Pinunasan niya ang bibig habang nakahawak sa gripo na parang kinakapos ng hininga. Nang sinubukan niyang humakbang ay doon na dumilim ang paligid at nawalan siya ng malay.
Isang linggo ng wala sa katinuan si Vien at halos walang maayos na tulog. Hindi niya alam kung nasaan si Freiya at kasabay pa noon ang pagdating ng kanyang ama at ang mga kasamahan nitong yakuza sa kanilang mansion. Agad din naman itong umalis ng nalamang ng ama na wala siya doon. Wala rin naman siyang balak talaga manatili doon dahil galing na siya sa iba't ibang lugar kung saan huling namataan si Freiya.
Kasalakuyan siyang nasa hotel sa Cagayan De Oro kung saan sila huling nag stay ni Freiya. Umaasang baka bumalik ang babae rito. Kakabalik niya lang din galing sa paghahanap kay Freiya. Ilang karatig isla na ang mga napuntahan niya nagbakasakaling baka napadpad sila Freiya doon pero wala parin.
Naalala niya ang pagsugod niya kay Hans na namataan niyang huling kasama ng babae. Gustuhin niya mang gawing preso ito para sabihin kung saan ito pumunta ay wala rin itong alam. Sikat na personalidad si Hans at lalala lang ang sitwasyon kung pagbubuntunan niya ito ng galit. Nakita niya rin ang bawat CCTV na dinaan ni Freiya. Huling hagip nito ay ang pagsakay niya kasama sila Manang Esme at Niña.
Inisa isa na ng mga tauhan niya ang bawat probinsya ng dalawa. Ang kotse na ginamit nila paalis at hindi na mahanap. May hinala siyang sa isang malayong probinsya ang mga ito.
Pero saan? Iyon ang tanong ngayon sa kanyang isipan.
"Sir." Drake bowed. "Wala rin sila sa Claveria. Nagpatuloy parin sila sa paghahanap sir." napapikit si Vien at napahilamos ng mukha.
"How about Niña? She never contacted you?" napalunok si Drake.
"Wala rin sir." bakas ang lungkot sa boses nito. "Hindi ko alam ang plano niyang pag alis sir, nagiwan nalang siya ng text na nagpapasalamat siya sa lahat at huwag na siyang balak pang hanapin." paliwanag pa nito.
"This is driving me nuts." bulong ni Vien.
--