Kabanata 9

2565 Words
Nanatiling nakayuko si Freiya at mahigpit ang hawak sa kamay. Lumapag ang eroplano sa isang tahimik na lugar. Hindi niya alam kung sino ba talaga ang kasama niya at tanging alam niya lang ay kailangan niyang makalayo mula kay Vien. "Tara?" napaangat siya ng tingin sa lalaking nakalahad ang kamay sa kanya. Nagpakilala ito kanina bilang Hans at halata ang pagaalala sa mga mata ng estranghero. Tumayo siya at inabot ang kamay nito. "Salamat." aniya. "Are you sure na walang media?" rinig niyang tanong ni Hans sa lalaking nakasuot ng amerikana. "Yes sir, secured po ang area." sagot nito. Nang makababa sila ay iilang mga tao ang nakaabang sa kanila na nagtangkang kumuha ng mga gamit sa loob ng eroplano. Bahagya siyang napaatras na agad naman napansin ni Hans. "It's okay, they work for me." aniya sa dalaga at umalay sa paglalakad. Si Hans ay isang sikat na aktor, kakauwi niya lang galing Japan dahil sa ginawa niyang pelikula na tumatak sa takilya. Siya na yata ang pinakapinaguusapang aktor kaya naman kilala siya halos lahat ng tao sa bansa. Dinala niya si Freiya sa isang rest house niya kung saan walang media o kahit na sinong personalidad ang nakakaalam. Unang beses niya ring magdala ng kung sino dito at babae pa. Hindi man lang napansin ni Freiya na nakarating na sila sa isang guest room. Nakayuko lang siya at walang imik sa buong paglalakad. Lipad ang isip at inaanalisa ang kasalukuyang nangyayari. Hindi niya alam kung matatawa siya o maaawa sa kanyang sarili. "Ano ba talagang nangyari sayo?" hindi na rin mapakali si Hans dahil hindi pa nito sinasabi ang dahilan bakit siya lumalayo. "S-Sorry, nadamay ka pa. Hindi ko alam paano kita mababayaran pero.." lumunok siya bago muling magsalita. "Pwede bang dito muna ako tumira? Kahit ano gagawin ko." napaawang ang bibig ni Hans at natawa. "Hindi mo yata alam ang sinasabi mo." aniya at nilapit ang mukha kay Freiya. Namilog ang mata ni Freiya at bahagyang napaatraas. "Baka stalker kita?" napakurap ang babae. "Stalker?" ulit niya. "Or obsessive fan." napangiwi ang lalaki. "Tactic mo ba yan?" lalong nalito si Freiya. "Tactic?" tumango ulit ang lalaki. "Hindi kita maintindihan. Pasensya kana, kung ganon pwede bang bukas nalang ako umalis?" tinitigan siya ng lalaki. "Seryoso bang hindi mo ako kilala?" inosente at dahan dahan na umiling si Freiya. "Wala bang tv sa inyo? Hindi ka ba nag sosocmed?" "S-Socmed?" kumunot ang noo ni Hans at bahagyang napaisip. "Nevermind kung ayaw mong umamin. Sige papatirahin kita dito, pero kailangan mong sabihin kung bakit ka lumabas ng madaling araw sa isang hotel na ganyan ang itsura at may mga humahabol sayo." napalunok si Freiya at napaiwas ng tingin. "Sinaktan o pingsamantalahan ka ba?" agad siyang umiling. "Walang ganong nangyari." bumuga ng hangin si Hans. "M-May tinatakbuhan lang akong isang lalaki." "Isa? Eh napakadami ngang naghahanap sayo kanina." umiling siya. "Isang tao lang. Nakita mo naman na siya." sagot ni Freiya. "Sino doon? Marami akong nakita malay ko ba kung sino ang tinututukoy mo." ani Hans. Umiwas ng tingin si Freiya. Ang akala niya ay kilala ng lalaki si Vien pero hindi naman pala. Mabuti narin iyon para hindi na masyado na ito masyadong magtanong at baka mapahamak lang ang lalaki. Kapakanan parin nito ng iniisip niya. "B-Basta gusto ko lang lumayo." pagdadahilan niya nalang. Bumuga ng hangin si Hans tanda ng pagsuko sa pagtatanong dahil mukhang ayaw naman talaga magkwento ng babae. Tumango ito at tinuro ang iilang damit na mga naka paper bag. "Nandyan na ang mga kailangan mong gamit, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." aniya at nagsimulang tumalikod ngunit agad hinawakan ni Freiya ang damit nito. "P-Paano ako magtatrabaho dito? S-Saan?" bumaba ang tingin ni Hans sa kamay nitong nakahila sa damit niya. Agad itong binitawan ni Freiya at bahagyang yumuko. Tinitigan lang siya ni Hans at pinasadahan ng tingin. "Bukas ko na sasabihin, magpahinga ka na." aniya ng lalaki at sinara ang pintuan. Naiwang mag isa si Freiya. Ang katahimikan ay malakas na bumubulabog sa kanya. Hindi niya alam kung sino ang kasama niya ngayon at kung nasaan siya. Pakiramdam niya ay nawawala siya at hindi niya alam saan uuwi, o kung may uuwian pa ba siya. Muling bumukas ang pintuan at bumungad ulit si Hans dito. "Nagtext ang kaibigan mo, bukas nalang daw siya tatawag dahil gabi na. Magpahinga kana daw." lumapit si Freiya sa kanya. "A-Ayos lang ba siya?" tumango si Hans at pinakita ang text ng kaibigan. "Mukha naman. Taga saan ba kayo?" hindi ito masagot ni Freiya dahil siya mismo hindi niya alam ang pangalan ng lugar kung saan siya nagmula. "Nevermind again, sige na pahinga kana. May pagkain dyan, kumain ka na rin." sambit nito at sinara ang pinto. Napalunok si Freiya dahil takot siyang maiwang mag isa, pero hindi rin namang tama na gambalain niya pa ang lalaki. Mukha itong busy na tao at ayaw niyang makaabala. Naupo siya sa may tabi ng bintana at tumingin sa buwan. Napapaisip sa mga nangyari at sa mga pwede pang mangyari. Tumulo ang luha nang mapagtantong hanggang ngayon, hindi parin mawala sa isip niya ang lahat ng naalala, lalo na ang katotohanang ang lalaking mahal niya ay pumapatay. Masakit rin malamang simula una palang hindi na sila pwedeng dalawa dahil sa kung paano namatay ang kanyang ama. Alam niya ang paglayo ang mabisang paraan upang makalimot. Hindi niya kayang manatili sa tabi ni Vien at magpakabulag sa pagmamahal na nararamdaman. Paniguradong kapag nasa harap niya ang lalaki ay babalewalain niya ang lahat ng nangyari, narinig at naalala niya. Hindi siya pwedeng maging masaya at hindi na yata siya sasaya sa susunod na mga araw. Lumipas ang gabing halos wala siyang maayos na tulog. Kinaumagahan nang makabihis at maayos ang sarili ay agad siyang lumabas ng kwarto. Halos walang tao sa malaking hallway ng bahay. Tama lang ang sukat nito, maliit kumpara sa mansyon kung saan siya lumaki. Kung saan siya pinatira ni Vien. Nang makababa siya ay agad niyang nakita si Hans na nasa sofa at nanonood ng tv habang may hawak na kape. Manghang mangha siya napakalaking telebisyon habang may mga gumagalaw na tao rito. Namangha siya pero wala siyang panahon aliwin ang sarili dito. "Pwede bang sabihin mo sakin kapag tumawag ang kaibigan ko?" agad na bungad niya sa lalaki. Napaubo ito matapos uminom ng kape. "Hindi ba uso ang good morning sayo?" napayuko siya sa sinabi ng lalaki. "Sorry." "Hans. Pwede mo rin ako tawagin sa pangalan ko, para alam kong ako talaga ang kausap mo." tumango si Freiya. "Sorry, Hans." natawa lang si Hans dito. "Hindi pa tumatawag ang kaibigan mo, pero nandyan lang ang phone ko. Pwede mong sagutin, anytime. Touch the green one pag may tumawag, ganon yun sagutin." tukoy niya sa cellphone niyang nasa ibabaw ng lamesa. "Sige, thank you." "Kumain kana rin." "Salamat, pasensya na talaga sa abala." sambit ni Freiya. "Ano bang pwede kong matulong sayo? Anong pwedeng kong maging trabaho dito?" tanong niya. Ngumuso si Hans at nagisip isip. "Pwede kang maging assistant ko." kumunot ang noo ni Freiya. "I mean ikaw mag aayos ng mga susuotin ko, ikaw magluluto para sakin, ikaw sasagot ng mga tawag sakin. Ganon lang." "Hindi ako marunong magluto at hindi pa ako marunong humawak ng cellphone." umismid si Hans. "Who doesn’t use phone these days? From outer space kaba?” napayuko siya. "Totoo ang sinasabi ko." In-off ni Hans ang tv at tinuon sa babae ang bong atensyon niya. "Saan kaba kasi talaga galing?" umiling si Freiya. "Sino ang kasama mo sa hotel nung gabing yon kung ganon?" hindi ito sumagot. "Hindi kita matutulungan kung wala akong alam tungkol sayo." "Kung ganon, aalis ako kapag sinundo na ako ng kaibigan ko--" napairap si Hans sa sinabi nito. "Look, hindi kita pinapaalis. I want to know what happened so I can help.” bumuntong hininga ito. "Fine, hihintayin natin ang kaibigan mo at sa kanya ko nalang itatanong." "Pero.." "Kumain kana dyan habang mainit pa." tumango si Freiya at umupo sa harap ng nakahandang pagkain. "B-Bakit pala walang tao dito?" "Meron, pinalabas ko muna. Baka kasi ayaw mo muna makakita ng ibang tao." tumango si Freiya. "Salamat." sambit niya sa mahinang boses. Pinatay ni Hans ang tv at umupo sa katabing upuan nito. "Galing ka ba sa isang palasyo? Ikakasal ka tapos tumakas ka ganon?" napakurap si Freiya at umiling. "Then bakit parang wala kang alam sa mundo? I mean, you don't even know how to use phone. Time traveler ka ba?" mga tanong ni Hans na hindi niya na napigilan. "Hindi lang ako marunong gumamit ng mga modernong bagay." ani Freiya sa maliit na boses. "What about tv? Walang tv sa inyo?" pagtatanong pa ni Hans. Sinuri niya ang babae at tinitigan ang kamay nito. "Hindi ka din naman mukhang mahirap. You look like a runaway princess.." nakatingin lang sa kanya si Freiya. Umubo siya nang mapagtanto ang huling sinabi. "I mean uh.. nevemind. Just eat." aniya at tumayo saka lumakad palabas ng sala. "Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka." Sinubukan niyang kumain pero wala rin siyang gana. Inubos niya nalang ang pagkaing nakahain bilang respeto sa paghahanda ni Hans dito. Nang matapos siya ay sinuri niya ang itsura ng paligid. Pumunta siya sa isang maliit na bookshelf. May isang pamilyar na mukha ang nandoon na umagaw ng kanyang pansin. Ang lalaking cover ng magazine na iyon, ay si Vien. Napalunok siya nang kunin ang isang magazine na iyon. Nakasuot ito ng isang itim na tuxedo habang nakahawak sa necktie niya, ang relo ng lalaki ay pawang nagsusumigaw ng karangyaan nito. Magazine ito ng listahan ng mga successful business tycoon at siya ang nangunguna sa listahan. Alam niyang nagtatrabaho si Vien pero hindi niya inaasahang ganito kalaki ang ginagampanan niya sa kanyang mundo. Nilipat niya sa unang pahina ng magazine at nakita niya ang mga achievements ng lalaki. Nahagip niya rin ang litrato na may kasama itong babae na talagang nagsusumigaw ng elegante at kagandahan. Lalong nanlumo si Freiya at nanghihinang ibinalik ang magazine na iyon. May naramdaman siyang kirot dahil alam niyang kahit mawala siya sa buhay ni Vien ay hindi niya mapapantayan ang mga babaeng darating sa buhay nito. Na kahit pa umalis siya ay hindi siya magiging kawalan sa lalaki. Tanging siya lang ang maghihirap at ayos lang iyon dahil mahal niya parin ito kahit anong mangyari. Bumalik siya sa lamesa kung saan nakalagay ang cellphone para hintayin ang tawag ng kaibigan. Halos hindi maalis ang tingin niya dito at talagang nag aantay na lumiwanag ito para sa isang tawag. "Huwag mo titigan, tatawag din yon." napalingon siya kay Hans na may hawak na isang fish bowl. Nilapag niya ito sa lamesa at agad natuon ang atensyon ni Freiya doon. "Kakaiba ang kulay niya, anong tawag sa isda na yan?" puno ng kuryosidad niyang tanong. "Pterophyllum." "Huh?" "A freshwater angelfish." "Ang hirap naman banggitin ng pangalan.." bulong ni Freiya na ikinatawa ni Hans. "Wala pa siyang pangalan, pwede bang pangalanan mo?" "Fishy." tumawa ulit si Hans. "Hindi halatang isda ah, wala na bang iba?" "Fins?" agad na sabi ni Freiya. "Palikpik?" "Fishy tapos pangalan mo." sagot ni Freiya. Unti unting napangiti si Hans nang marealize ang ibig sabihin nito. Tumango siya at sumang-ayon sa sinabi ni Freiya. "Sige, Fins tara na sa aquarium." aniya sa isda at binuhat ito papunta sa isang kwarto. Nilingon niya si Freiya at sinenyasang sumunod. Nang makapasok siya ay namangha siya sa laki ng aquarium sa loob. Puro makukulay at maliliit na isda ang nandodoon, at pati ang ilaw ay tumutugma sa ganda ng kwarto. "Ang ganda.." wala sa sariling sambit ni Freiya. Napatitig si Hans sa kanya. Napakaganda talag ng babae na kahit na sino ay mapapatitig sa ganda nito. Agad din siyang napaiwas ng tingin nang nilingon siya ni Freiya. Pinaliwanag ni Hans ang pagkahilig niya sa mga isda. Nakikinig lang si Freiya at lihim na napangiti ang lalaki sa reaksyon ng dalaga. Pinagpatuloy niya ang paglilibot sa babae sa kwarto at sa mga isdang naroon. Halos umabot ang hapon na hindi namamalayan ng dalawa. Agad naalala ni Freiya ang hinihintay na tawag pagkalabas nila ng kwarto. "Walang kahit anong missed call." bumagsak ang dalawang balikat ni Freiya at napuno ng pagkadismaya. Sinubukan din tawagan ni Hans ang numero ni Niña pero walang sumasagot. Nagpadala nalang ng text si Freiya para sabihin maghihintay parin ito sa tawag ng kaibigan. "Tatawag din yon, baka may ginagawa lang." pagpapalakas ng loob ni Hans kay Freiya. "S-Sana nga.." Isang mensahe ang biglang natanggap ni Hans at agad itong pinakita kay Freiya. Agad hinablot ni Freiya ang phone at binasa ang text. "Pupunta ako bukas, hintayin mo ako. Dyan ka lang, Freiya." Umabot ng gabi at lilipas na naman ang isang araw. Hindi na mahintay ni Freiya ang bukas. Nag aabang siya sa pagsikat ng araw. Wala parin siyang maayos na tulog. Nakatulala siya sa buwan hanggang sa araw na ang kanyang masilayan. Kinaumagahan ay agad niyang hinanap si Hans at agad tinanong kung may tumawag na ba. Dismayado siya nang umiling si Hans bilang sagot. "Hindi ako nagsisinungaling ah, wala talagang tumatawag." tumango si Freiya bilang tugon. "Tatawag din yon ngayon, maghintay ka lang. Gutom ka ba?" umiling si Freiya. "Nagpaluto ako ng pancake, baka gusto mo lang." napalingon si Freiya doon at natakam sa itsura ng pancake. "Para sakin ba yan?" natawa si Hans at tumango. "Oo sayo yan. Kumain kana muna." tumango si Freiya, walang imik na umupo at kumain. "Tingin mo, tatawag pa kaya si Niña?" tanong niya sa kalagitnaan ng kanyang pagkain. "Oo naman, tatawag yon. Chill ka lang." nilingon niya si Hans. "Bakit ang bait mo sakin?" biglaang tanong ni Freiya, pati si Hans ay natigilan. "Hindi ko alam, kailangan mo kasi ng tulong. Tinutulungan lang kita." tipid na ngumiti si Freiya. "Salamat talaga, huwag kang magalala kapag dumating ang kaibigan ko. Pwede kaming maging assistant mong dalawa." napangisi si Hans. "Joke ko lang yon. May assistant na ako." bahagyang nagulat si Freiya. "Basta gusto lang kitang tulungan." ngumiti nalang si Hans. Inaalala ang trahedya noong bata pa siya. Mukha ng kanyang ina na nanghihingi ng tulong para makatakas sa malupit niyang ama. Simula noon ay kinakain siya ng konsensya kapag may tinatanggihan siyang isang taong nanghihingi ng tulong. Sapat ng naligtas niya si Freiya noong gabing humingi ito ng tulong. Hindi niya rin naman kailangan malaman ang mga bagay bagay na nangyari sa kanya noo. Alam niya rin namang aalis ang babae ano mang oras. Ayaw niyang mapalapit ng sobra dito. Tumunog ang phone at si Freiya ang sumagot dito. "H-Hello?" sagot niya. "F-Freiya, papunta na dyan sila Sir Vien. Sorry napaamin ako ng wala sa oras alam mo naman yun si Sir, parang papatay anytime pag wala pang impormasyon tungkol sayo." Napalunok si Freiya at hindi agad nakasagot. Bigla siyang natakot at kinabahan. "Basta umalis ka muna dyan, tawagan mo ako sa number na ito. May plaza dyan, magpahatid ka doon. Pupuntahan kita, this time totoo na kasi nasa byahe na ako ngayon. Naiintindihan mo ba?" paliwanag ni Niña Tumango si Freiya. "O-Oo. Hihintayin kita, Niña. Mag iingat ka." "Ikaw din, umalis kana dyan. Dalian mo." aniya at ibinaba ang tawag. Agad niyang hinarap si Hans na naghihintay ng kanyang sasabihin. "K-Kailangan kong pumunta sa plaza, doon daw kami magkikita ni Niña.” Tanging hiling niya lang ngayon ay sana hindi siya maabutan ni Vien. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD