Masaya at payapa ang pananatili ni Freiya sa hotel. Hindi niya alintana kahit hindi man sila lumabas, makasama lang si Vien ay ayos na sa kanya. Sa bawat araw nila rito ay isang masayang ala ala sa kanya na sana hindi na matapos pa. Sa ikaapat na gabi niya sa hotel ay ngayon lang siya muli inatake ng bangungot.
Pabaling baling ang kanyang ulo sa kaliwa't kanan at agad siyang napabangon na tagaktak ang pawis at habol ang hininga. Agad niyang hinanap si Vien peri wala ito. Nakaramdan siya lalo ng takot at panginginig, hindi siya sanay na walang katabi. Sa mansyon ay tinatabihan siya ni Niña palagi.
Naglakad siya sa kusina at uminom ng tubig. Ramdam niya ang lamig ng gabi at pati ng sahig. Hinanap niya si Vien sa buong kwarto pero wala ito. Takot pa naman siya mag isa at hindi niya alam kung paano siya makakabalik muli sa pagtulog ng wala si Vien. Napakalaki pa naman ng kwarto para sa kanya at nakakatakot mag isa.
Binuksan niya ang ilaw sa sala at napatigil nang makita ang laptop ni Vien na nandoon. Dahil naisip niyang libangin ang sarili ay binuksan niya ito. Isang sikreto lamang ang pagturo sa kanya dati ni Niña kung paano gumamit ng laptop. Isang bagay lamang ang tinuro sa kanya ni Niña, ang pagbukas ng laptop at paglaro ng games. Isang laro lang ang alam niya at iyon ay larong paghuhuli ng isda.
Turo ni Niña ay wala siyang ibang gagalawin na kahit ano basta laro lang ang dapat niyang buksan. Kung walang laro ay hindi na niya ito gagalawin.
Nang pindutin niya ang switch ay napangiti siya nang makita ang litrato niya na nakangiti at nakatingin sa dagat. Kuha ito sa gilid ng dalampasigan, dalawang taon na ang nakakaraan.
Nang nagload ito ay natigilan siya nang kusang magplay ang isang video.
"Nanood ba ng palabas dito si Vien?" bulong niya at tinuon ang atensyon sa eksena sa video.
Ang kanyang ekspresyon ay nagbago nang makita ang isang lalaking naka amerikana ang ang nakikipagusap sa isa pang lalaki. Parang tago pa ang kamera na ginamit dahil nasa baba ang anggulo nito. Maya may pa ay may nilabas na kutsilyo ang isang lalaki at sinaksak ang lalaking kausap.
Natulala si Freiya at isasara na sana ang laptop nang may isang lalaki ang bagong dumating. Napatakip siya ng bibig nang makita si Vien na nasa video.
Agad niya itong sinara at nanginginig na lumayo sa laptop.
"Palabas ba yon? B-Bakit siya nandon?" lito niyang tanong sa sarili.
Wala sa sarili siyang nakayapak na lumabas ng kwarto at nagtaka siya nang halos walang tao sa buong hallway. Akala niya ay nandoon ang ibang tauhan ni Vien. Naisip niyang baka lumabas saglit si Vien at babalik rin pero narigilan siya nang may kalabog siyang narinig sa kabilang kwarto.
Dahan dahan siyang lumapit sa pinto at nilapat ang tenga dito para marinig kung anong ingay iyon.
Sa loob ng kabilang kwarto kung nasaan si Vien at ang mga tauhan niya, kaharap nila ang isang lalaking miyembro ng yakuza ng kanyang ama.
Isa itong mababang uri ng utusan ng kanyang ama at pinahuli niya ito para malaman ang plano ng kanyang ama na kasalukuyang nasa kanyang mansyon at nagbabalak pumunta sa hotel kung nasaan siya ngayon.
"Do you smoke?" tanong ni Vien.
Yumukod siya at lumebel sa hapong ngayon ay nakatali ang kamay sa likod at nakaluhod. Nakatakip ng itim ang buong mukha nito at naginginig. Hinithit niya ang sigarilyo at binuga ito sa mukha ng lalaki, pagkatapos ay tinaktak niya ang upos nito sa bandang leeg nito na para bang ginawang tapunan ng abo. Ilang saglit pa ay pinatay niya ang sigarilyo gamit ang pagdikit sa balat nito.
Impit na ungol na lamang ang nailalabas ng lalaki dahil sa sakit. Marahas na tinanggal ni Vien ang takip nito sa ulo at ang balot na tape nito sa bibig. Umangat ang tingin ng lalaki kay Vien habang hinihingal at tagaktak ang pawis.
"Y-You are.." gulat na sambit niyang halos hindi niya maituloy.
"Tell me why he's here."
"Who the hell are you talking about--" natigil ito sa pagsigaw nang sikmuraan siya ni Raze. Naubo ito at masamang tumingin kay Vien.
"Tell me why is your master here." ulit ni Vien.
"Master Yu?" takang tanong niya. "H-He is finding the d-daughter of Mr. Mori, he believes t-that he had a daughter and the girl is not dead yet." tumigas ang ekspresyon ni Vien sa narinig.
Ang kabang hindi niya naramdaman ng mga nagdaang taon ay muling nabuhay.
"Who the f**k told him that?" halos pagalit na mahinang tanong niya.
"From an old friend of his." sagot nito. "K-Killing me won't solve anything. I will do anything, just let me live!"
Halos mapasinghap si Freiya sa narinig. Nakatakip ang kanyang bibig at nagsimulang manubig ang kanyang mga mata. Sumikip ang kanyang dibdib na para bang narinig na niya dati pa ang mga katagang iyon. Andaming tanong ang pumasok sa kanyang isipan.
Bakit narinig niya ang boses ni Vien? Bakit siya nandoon? At bakit nagmamakaawa ang isang boses na hindi siya nito patayin?
Nanginginig siyang umatras at patakbong pumunta sa emergency exit ng hotel. Takot siya sa elevator kaya dito niya mas pinili na dumaan pababa.
Natigilan siya ng sumakit ng husto ang kanyang ulo. Napahawak siya ng mahigpit sa bakal sa gilid ng hagdan. Napapikit siya at pinilit na hindi gumawa ng ingay.
Lalong bumalik ang isang eksena na napanaginipan niya kanina.
"Killing me won't solve anything."
"And letting you live won't make a change"
"I will end the Mori Clan today. Have a good rest, Mori."
Ani ng isang boses at tinitukan ito ng baril. Halos mabingi si Freiya sa lakas ng tunog nito sa kanyang isipan.
Ang baril.
Iyon ang nakita niya na meron si Vien. Ang hinawakan niyang bagay na ikinagalit niya. Gamit pala ito para pumatay.
Pero bakit meron siya noon?
Habang pababa siya ng hagdan ay sunod sunod na boses ang kanyang narinig sa kanyang isipan. Mga eksenang napakamakatotohanan.
"Dada, what's wrong?"
"Kailangan mo magtago, baby. Dapat hindi ka lalabas kahit anong mangyari."
"Why po?"
"Kasi pag hindi ka nagtago, mahuhuli tayo ng mga monsters gusto mo ba yon?"
"No!"
"Dito ka lang muna, huwag kang lalabas baby okay?"
"Okay dada!"
Hindi niya kayang maproseso sa utak ang bawat eksenang kanyang naalala.
"Hi, do you want to come with me? We're going to find your dada"
"D-Dada is dead.."
"Then let's get out of here. Your dada will be worried about you."
Halos manlabo ang paningin niya nang makita ang batang si Vien sa kanyang ala ala. Ibig sabihin ay hindi niya pamilya si Vien simula palang.
Niligtas ba siya nito?
"Son."
Napatigil siya at halos mapaupo. Tulala ang ekspresyon at sunod sunod ang agos ng luha.
Niligtas ba siya nito, mula sa sarili nitong ama na pumatay sa daddy niya?
Kaya pala ayaw niya sa apoy. Dahil nakita niya kung paano magliyab ang katawan ng kanyang ama.
"Master Mori."
"Daddy!"
Tinakpan niya ang kanyang bibig sa ala alang kanyang narinig. Ngayon lang sumakit ng ganoon ang kanyang dibdib. Nakikita na niya ang mga ala alang ito sa panaginip pero hindi niya ito iniinda dahil akala niya ay wala lang ito. Pero ngayon ay konektado na ang lahat ay mahirap tanggapin ang katotohanan.
Gusto niyang marinig ang panig ni Vien, ang eksplanasyon at dahilan nito pero parang hindi niya kaya. Mahirap at masakit tanggapin ang lahat. Hindi niya lubos maisip na kasama niya sa iisang bahay sa loob ng nagdaang taon ang anak ng pumatay sa kanyang ama.
Ang tanging nasa isip niya ngayon, ay kailangan niyang umalis.
Tinatagan niya ang tuhod sa paglalakad kahit halos parang nanlalambot na siya. Halos wala na rin tao sa lobby ng hotel, ang kulay ng ilaw ay sumasakto sa lugar at sa gabi. Hindi ito ganon kaliwanag.
Tuloy tuloy ang kanyang paglalakad patungo sa isang lalaking kakatapos lang tumawag gamit ang cellphone. May dala dala itong maleta palabas ng hotel. Agad niya itong nilapitan nang tuluyan itong makalabas. Ramdam niya ang lamig sa kanyang talampakan.
Nakatapat ang lalaki sa isang sasakyan at pumunta sa likuran nito.
"E-Excuse me po." napalingon sa kanya ang lalaki at tinaasan ito ng kilay.
Nilagay niya ang kanyang maleta sa kanyang compartment.
"Yes?" sagot nito nang matapos niyang isara ang likod ng sasakyan.
"P-Pwede po bang makitawag?"
Kinabisado niya ang numero ni Niña, tinuruan siya nito noon patungkol sa pagtawag at tanging numero niya lang ang tumatak sa kanyang ala ala. Hindi na niya naalala kung paano gumamit ng phone pero alam niya naman ang numero ng kaibigan at sapat na iyon.
Umismid ang lalaki. "Stalker ka ba?"
Kumunot ang noo ni Freiya sa salitang binanggit nito na hindi niya maintindihan.
"Please.." napatitig ang lalaki sa kanya at pansing namumugto ang mata nito
Walang sabi niyang binigay ang phone niya nang agad umiling si Freiya.
"H-Hindi ako marunong, pwede bang ikaw tumawag?" ilang saglit siyang tinitigan nito.
"Number?" tanong niya at sinimulang banggitin ni Freiya ang bawat numero.
Agad naman binigay ng lalaki ang phone niya. Humalukipkip ito at pinasadahan ng tingin ang babae. Napatitig siya sa paa nito, nakayapak lamang ang babae. Malinis naman ang damit nito at wala naman itong kahit anong galos.
"H-Hello, Niña?"
"Oh Freiya, bakit ka napatawag?"
"N-Niña.." nagsimulang humikbi si Freiya na miski ang lalaking nasa harap niya ay nagulat. "T-Tulungan mo naman ako.."
Ilang minutong hindi nagsalita si Niña sa kabilang linya.
"Nasaan ka?"
Ibinigay ni Freiya ang lugar at sinabihan siya ng kaibigan na dumiretso ng airport at doon na sila magkita. Walang kahit anong dala na pera si Freiya kaya naman nag book ang kaibigan ng sasakyan at hihintayin niya nalang ito.
"Bilisan mo, Niña. Natatakot ako." pabulong na sambit ni Freiya na narinig ng lalaking nasa harap niya.
Pinunasan niya ang luha nang matapos ang tawag at inabot ang phone ng lalaki."Salamat po."
"May problema ba, miss? Ayos ka lang?" kasabay ng tanong ng lalaki ang pagkahinto at pagkakaba ni Freiya nang makita ang dalawang lalaking nagsisigarilyo sa hindi kalayuan.
Tauhan ito ni Vien.
Agad siyang tumalikod at halatang kinakabahan ang ekspresyon. "S-Salamat po ulit." aniya at akmang aalis nang humarang ang lalaki sa kanyang daan at may jacket na pinatong sa kanya.
"Sila ba ang tinatakasan mo?" tukoy ng lalaki sa mga tauhan ni Vien.
"K-Kailangan ko na pong umalis--"
Mabilis na binuksan ng lalaki ang pinto ng passenger seat. "Sakay, ako na maghahatid sayo sa airport." sabi nito na ikinagulat niya.
"H-Hindi na, may pinapuntang sasakyan ang kaibigan ko."
"Matagal pa yon, baka makita ka ng mga naghahanap sayo kung mag aantay kapa dito." binuka ni Freiya ang bibig, may balak sanang sabihin pero hindi na tinuloy. "Sakay na, doon din ang punta ko at hindi ako masamang tao."
Nang makita niya pa ang isang tauhan ni Vien sa hindi kalayuan ay walang alinlangan na siyang pumasok sa kotse ng lalaki, hindi alintanang estranghero ito.
Gusto lamang niyang umalis sa lugar na iyon.
Samantala ay kasalukuyan ng pinaghahanap ng mga tauhan ni Vien si Freiya. Ginalugad niya ang buong kwarto pero wala ito. Iba ang ayos ng kanyang laptop at agad na niyang nakuha kung anong nangyari. Sinabi rin ni Raze na nakita nilang narinig ni Freiya ang paguusap nila sa kabilang kwarto.
Isang oras na ang nakakalipas nang mangyari ito.
Dali dali siyang bumaba sa lobby at lumabas.
"Sir." tawag ng isa niyang tauhan at umiling.
"Sir, nakita sa CCTV na sumakay siya sa sasakyan ng isang lalaki."
Dumagdag sa galit at inis ang binalita nito sa kanya.
"Lalaki?"
"Yes sir pero hindi nahagip sa kamera ang mukha niya, tinatrack na po namin ang plate number ng kotse."
Kumuyom ang kamao niya at napakatalim ng ekspresyon nito.
"Vien! Get in." napalingon siya sa kaibigang nasa kotse.
"Find her at all cost." aniya at sumakay sa kotse ni Ren.
"She remembered everything."
"Yeah and you're f*****g really doomed this time."
Hindi niya kaya, mahihirapan siya kapag nawala si Freiya sa kanya. Hindi niya pa kayang mag isa.
Nang makarating sila Freiya sa airport ay agad niyang hinanap si Niña. Nasabi niya na rin sa kaibigan ang naghatid sa kanya. "S-Sorry po sa abala, salamat."
Hindi sumagot ang lalaki at pumunta sa likuran ng kotse. Kinuha niya sa compartment ang isang pares ng sapatos at binigay kay Freiya.
"Isuot mo to para hindi lamigin ang paa mo."
"S-Salamat."
Bumuntong hininga ang lalaki at napatitig sa babae. Dinukot niya ang calling card sa bulsa at inabot sa kanya.
"Tawagan mo ako kapag may problema."
"Ang bait mo, salamat."
Tumunog ang phone ng lalaki at agad niyang sinagot ito. Napatingin siya kay Freiya at inabot ang phone sa kanya.
"Hindi ako makalabas, Freiya. Nandito ang papa ni Vien at mga tauhan niya. Bawal lumabas ang sino man dito ngayong gabi. Lahat kami ay nakakulong sa kwarto."
Kinagat ni Freiya ang labi sa panginginig.
"Sino ba ang naghatid sayo? Pwede bang humingi ka muna sa kanya ng tulong? Susunod ako bukas."
"S-Sige, Niña."
"Sorry talaga, Freiya. Hindi ako pwedeng magtangka gumawa ng kahit ano armado sila dito lahat."
"Huwag ka ng lumabas, Niña! B-Baka nay gawin sila sayo."
"Oo. Basta pupuntahan agad kita bukas. Mag iingat ka, Freiya. Teka, may paparating."
"Niña! Niña!" pinakinggan niyang mabuti kung nandoon pa siya sa kabilang linya pero wala naputol na ito.
"Anong nangyari?" tanong ng lalaki na hindi niya masagot.
"G-Gusto kong bumalik.." naiiyak na sambit nito.
"Gusto mo pero hindi mo kaya." nilahad niya ang kanyang kamay. "Sakin ka sumama, ilalayo kita."
"P-Pero ang kaibigan ko.."
"Gagawan natin ng paraan yon, kailangan mo ng umalis dito." sambit nito at nakatingin sa direksyon mula sa likuran ni Freiya.
Dahan dahan niya itong nilingon at agad siyang napahawak sa kamay ng lalaki.
"U-Umalis na tayo, please.."
Hindi niya kaya pang makita si Vien. Lalo na at nangingibabaw parin ang pagmamahal niya sa lalaking ilang taon niyang nakasama. Gusto niyang umalis at kalimutan ang lahat lahat.
"Anong pangalan mo?" tanong ng lalaki nang makasakay sila sa eroplano.
Matagal siyang natahimik bago sumagot. Humigpit ang hawak niya sa jacket na suot.
"Lifrei." panimula niya. "Lifrei Yaneka Mori."
--