LIA ELIZA ALFARO __ "'Yan ba 'yon?" tanong ko sa anak ko nang sunduin ko siya sa school niya. "Mommy, huwag mong masyadong tingnan. Baka makita tayo." Sinundan ko pa rin nang tingin ang batang lalaki na may sukbit na backpack sa kaliwang balikat at kasalukuyag papunta sa toda ng tricycle. "Mukhang mabaho. Wala na bang iba?" "Hmm, Mommy talaga," muling sambit ng anak ko na may pagtatampo sa tinig. Mahaba na ang nguso niya nang lingunin ko siya. Mahina akong tumawa. "Joke lang. Halika na nga." Hinigit ko ang kamay niya nang huminto ang ordinary bus sa harap namin. Pinaupo ko siya sa tabi ng bintana at pumwesto ako sa tabi niya. "Hindi lang masyadong maayos ang damit niya at gamit niya, but he's cute and... he's smart, Mommy." "Wala naman akong sinabing hindi siya cute. Kung mata