LIA ELIZA ALFARO __ "Uhm, anong gagawin ko dito sa eggs?" "Ibalik mo sa manok," sarkastikong sagot ko at binaling ang tingin ko sa kaniya. "Seriously? Of course you have to c***k all of it. Ilagay mo sa bowl, at haluin mo. Do I have to instruct further?" "I'm sorry. I'm just afraid to make mistakes." Binalik ko ang tingin ko sa ginagawa kong icing. Sinama ko si Eli sa bahay nila dahil wala siyang kasama sa bahay at gusto niya ring makita ang best friend niya kahit maghapon na silang magkasama sa school. "You know what, naiintindihan ko kung bakit ka naiinis o nagagalit sa akin," anito at pumwesto sa tapat ko. "Riel told me na napanaginipan mo akong ikinasal kay Chase." Ganoon talaga sila ka-close para ikuwento niya pa rito? That woman really didn't know how to shut up. "Hindi mo k