CHASE KARSON MANJARES __ "Salamat, pre." Tinapik ko ang balikat ni Wayne. Binaba nito ang isa pang kahon sa loob ng bahay. "Ikaw pa ba? Anytime." "Kumain muna kayo rito bago umalis, huh?" Lumipat na kami ng bahay ni Lia. She was able to loan a house na ilang taon din naming kailangang bayaran. Tinapos lang namin ang kontrata sa inuupahang bahay malapit sa talyer. "Ang ganda dito!" Narinig kong sigaw ni Eli habang paakyat ng hagdan. "Dahan-dahan... baka madapa ka." Nilapitan ko rin agad si Lia para tulungan siyang magbuhat ng mga kahon. Hindi na namin hinayaang tumulong na mag-ayos ng gamit sina Riel at Wayne dahil masyado na namin silang naabala. Kumain lang kami nang sabay-sabay at hinayaan na rin namin silang umuwi. Halos mga damit lang ang dala namin at mga gamit ni Eli na u