LIA ELIZA ALFARO __ "Dinala ko kayo rito sa kabilang isla para makapag-usap kayong dalawa." "Wala na kaming kailangang pag-usapan," malamig na sambit ni Chase. "Hindi iyon ang nakikita ko. Umupo kayo sa silya." Tiningnan ko ang mesa at ang silya na nandoon. Wala sa loob na naupo ako habang halata pa rin ang pagdadalawang-isip ni Chase. Ganoon pa man, umupo pa rin ito sa tapat ko at iniwasang tingnan ang mga mata ko. "Para sa anak n'yong dalawa, subukan nating bumalik sa nakaraan. Mr. Manjares', puwede mo bang sabihin kung paano kayo nagkakilala?" "I already told you." "Sige na. Gsuto kong sabihin mo ulit habang nakatingin ka sa mga mata niya." Hindi ito nagsalita sa ilang sandali. He shifted his gaze at me. Wala akong nakitang emosyon roon pero tila may kung anong naging epekto sa