LIA ELIZA ALFARO __ Dumating agad ang bangka bago lumitaw ang araw. He didn't talk to me the whole time. Parehas naming pinagmasdan ang unti-unting paglitaw ng araw sa silangan. Bumaling din ako sa kaniya at pinagmasdan ang kalahati ng parteng ng mukha niya na nakikita ng mga mata ko. I wish I could stop the time. I wished mahaba pa ang biyahe para mas makasama ko siya nang matagal, nang mas malapit. Umalis siya agad pagbaba ng bangka. Bumalik ako sa cabin ko. Nandoon si Riel na halatang nag-aalala sa akin. "Bes, ayos ka lang ba? What happened?" Marahan lang akong tumango at dumiretso sa bathroom. Tumulong ako sa mga cook na nasa kitchen ng isla. Hinayaan nila akong magluto ng almusal at ako mismo ang nagdala no'n kung saan nakaupo si Chase. "Wow, ang sweet mo naman pala sa asawa