NANDITO ako ngayon sa second living room ng mansion. Kumakain ako ng mais na may cheese and margarine at dito ko naisipang tumambay nga. Sina Laziz at Robin ay nasa kusina at parehong nagkukudkod pa ng yelo, ginusto nila iyon, e. “‘day? Matanong ko lang, ha?” Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Nakita ko si ate Mheg at npatingin ako sa kanya. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalinlangan. “Ano po iyon?” takang tanong ko sa kanya. “A-ano... Napapansin kasi namin dito na malapit kayo ni Young Master Luxus, Luna. Kaya gusto kong tanungin na... Nanliligaw ba si Young Master Luxus sayo?” Halos maubo ako sa tanong ni ate Mheg sa akin. Mainit pa man din itong kinakain ko kaya halos maiyak-iyak ako habang mahinang pinapalo ang aking dibdib. “Sorry, ‘day! Nabigla ba kita. Naku, kukuha ako