40 DAYS na nila Mama. 40 days na rin ng mawala sila sa amin pero heto kami ni Laziz ay lumalaban sa pang-araw-araw namin. Sa araw na 40 days ay nahuli na rin ang taong pumatay kila Mama. Sa ilang araw niyang pagtatago ay may nakakita na rin sa kanya sa wakas, nagtatago pala ang lalaking niyon sa isang kuweba na malapit lang sa bayan namin. Dinampot agad siya at tumungo roon ang mga nakasaksi para magbigay ng kanilang pahayag na siya talaga ang nakita nilang lumabas sa bahay namin nang mamatay sila Mama. Tumungo na roon sina tito Alfred at si daddy Godipher, gusto ko nga sumama pero pinigilan nila ako. Baka raw mapahamak daw ako incase na pilitin kong sumama kaya si Laziz na lang ang pinasama nila. “Luna, mabuti na lamang ay hindi pa talaga nakakaalis sa probinsya niyo ang taong pumatay