KABANATA 27: TUMANGO ako sa kanya bilang pagpayag sa gusto nito. Atleast, magagawa ko pa din naman ang gusto. Maliit na bagay lang ang gusto ni EJ kaya wala hindi na ko nagreklamo. Pero matapos ang pagu-usap naming iyon ay tila ba may nagiba. Mas naging sweet sa akin si Elijah. Mas panay ang dikit. Mas naging concern sa lahat ng gusto ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ako dapat ang umasta na ganoon ‘di ba? Kasi ako ang nagkasala sa kanya pero bakit parang tila siya ang bumabawi? Kinibit balikat ko na lang iyon. Hindi ko na kinuwestyon at sa halip in-appreciate ko ‘yong mga effort niya para maging maganda ang takbo ng relasyon naming dalawa. Araw ng sabado, may business meeting si Elijah kahit na weekends. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para