KABANATA 28: IBINABA ko ang hawak na libro ng tumabi si Elijah sa akin sa kama. Umayos ako ng upo. Nagsimula itong yakapin ako at amu-amuy-in sa leeg. Marahan ko siyang tinulak. Bumadha ang pagtataka sa mga mata nito. "Magu-usap tayo..." sabi ko sa seryosong tinig. Kumibot ang kilay nito. Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagdaan ng takot sa mga mata nito. Napakurap si EJ pero agad ding nakabawi. Tumawa ito pero ramdam ko ang kanyang kaba kahit hindi niya aminin. Sa reaksyon pa lang ni EJ mas lalo akong kinabahan at pinagpapawisan ng malapot. Tumitindi ang hinala ko sa kanila ni Winona. "Why? You look serious!" anito at natatawa pa. Umayos ito ng upo at tumikhim. “Napapansin ko na palagi ng nagpupunta si Winona dito. Sakto pa laging narito ka sa bahay. Paano niya nalalaman ‘yon?