KABANATA 5

2117 Words
KABANATA 5: PINAHARUROT ko ang Porsche paalis sa airport. Pierre is very silent but touchy. Hindi naman siya madaldal talaga. But I don't know why I can feel that there's something wrong.  Sumulyap ako sa kanya. Habang nagmamaneho. He remained silent while his left hand massaging my right thigh. Nahihirapan nga lang siya dahil minsan ginagamit ko ang gear. Tinatanggal din niya ang kamay sa hita ko. Ang kanang daliri nito ay hinihimas ang ibabang labi. His eyes are on the road. He's thinking deeply.  "What's the matter?" I asked. Binalik ko ang tingin sa daan. Medyo binagalan ko ang pagda-drive dahil sa stoplight.  "Nothing," Baka nago-over thinking lang ako. Wala naman talaga. I wanted to strike a conversation pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Hindi ko naman maitanong kung kumusta o anong nangyari sa kanya for the past month kasi we always talked naman over the phone. We are updated on every happening in our lives. "I guess I need to drop you off at your condo. You look tired. We can cancel our dinner in Okada, anyway. It's not a big deal." I suggested. Tutok ang mata ko sa kalsada. I heard him sighed. It's pretty obvious in his reaction. I was right. Pagod nga siya. Nahihiya lang umamin sa akin na huwag ng ituloy ang dinner date. He doesn't want me to be disappointed. I am looking forward to this day pa naman, since we haven't seen each other for a month—excited din ako sa aming dinner date. But I can understand naman if he's not feeling well. Hindi naman ako magpipilit. "Yeah... but we can have our dinner date in my condo. Babawi na lang ako bukas," he said without looking at me. Naabutan kami ng red light. Tinigil ko ang sasakyan. I looked at him and smiled. He looked and smiled at me quickly. Binalik din ang tingin sa daan.  Is he avoiding my stares? Am I hallucinating? Nakita ko ang pagdaan ng kung ano man sa kanyang mga mata. Is that guilt? Nahihiya?  Maybe, I imagine things. Why would Pierre look at me with guilty eyes? Pierre is a good guy. I should stop overthinking things. We've been together for ten months at sa mga buwan na iyon wala akong nabalitang na-link sa kanya, romantically. We always talk whenever we have time. Nagu-usap pa nga kami bago matulog at ang haba-haba pa ng talking time.  Napakurap ako. Marahang ipinilig ang ulo. Epekto ata ito ng isang buwan naming hindi pagkikita? Kung ano-ano na lang tuloy ang nakikita at napapansin ko kahit na wala namang basis o ebidensya. "Alright, we can order for our food na lang. I don't mind." I shrugged.  Since the car stops, his hand rested again on my thigh. He was slowly caressing it.  Okay naman sa akin basta huwag lang a-angat pa ng kaunti.  I find his gestures sweet. Kung maso-sobrahan siya ng himas. Magsa-salita na ko. Alam din naman ni Pierre iyon.  Binibiro tuloy ako ni Gellie na tinatakam ko daw kasi si Pierre kaya nangigigil lalo sa akin. May tumunog na cellphone. Alam kong hindi sa akin iyon. Saglit na kumibot ang kilay ko sa mahinang ringtone ni Pierre. Mahina na nga tapos nag-iba pa. Sanay ako na gamit niyang ringtone ay Beacon. Ako pa ang nagpalit noon para pareho lang kami. Very disturbing ang tunog kaya mapipilitan ka na silipin ang cellphone mo. Tumunog ulit. Sumulyap ako sa kanya pero parang wala naman itong pakialam. He still continues to massage my thigh. Nag-green light. Pinaandar ko ang sasakyan kaya walang nagawa si Pierre kundi tanggalin ang kanyang kamay sa aking hita. Hindi pa kami nakaka-layo ay tumunog ulit ang cellphone nito. Naka-tatlong tunog na kaya medyo na-distract na ko kaya wala sa sariling napasulayap at nagsalita sa kanya. "Your phone," "Sorry," anito at kinuha ang cellphone sa bulsa ng itim nitong pantalon. Binalik ko ang tingin sa kalsada. From my peripheral vision, nakita ko na saglit itong natigilan sa binabasa.  "Why? Who is it?" Tsaka lang ito natauhan at binalik ang cellphone sa bulsa ng pantalon. "It's from my agency. Anyway, you want to come with me on Friday night to Oblivion? Nick and my other friends are inviting me," “Sure, minsan lang naman. So, why not?” sabi ko sa kanya.  Pierre stays in Manhattan Heights Condominium. Duon ang tungo namin ngayon. Expected na ang traffic. Kaya anong oras na din kami nakarating. I parked my car. Lumabas kami sa kotse ko.  Pierre holds my hand tightly. Hindi niya binitwan kahit na pumasok na kami sa elevator. Hinapit niya ako sa kanya. Panay na ang taas baba ng kanyang mga kamay sa aking beywang. Hinayaan ko lang. Alam kong miss na miss niya lang ako kaya ganito siya.  "I miss you..." he whispered. See? Sabi ko na. Tumunog at bumukas ang lift. Nagmamadali ang mga lakad ni Pierre. Sumunod lang ako.  "You look like you're in a hurry!" Natatawa kong sabi.  Bumukas ang pinto ng unit niya ng matapos itong mag-biometrics. Binitiwan ko ang kamay niya dahil nalalaglag iyong pinatong na blazer lang sa aking balikat. Inaayos ko iyon habang naglalakad ako papasok sa unit niya. Nagulat na lang ako ng inatake niya ko ng agresibong halik. Nanlaki ang mga mata ko pero agad na nakabawi. I miss him.  I miss his kiss.  I won't deny it. Tinugon ko iyon ng ka-parehong intensidad ng kanyang halik. “I miss you so damn much...” bulong niya sa pagitan ng halik namin. Natawa ako ng mahina.  “We’re on the same page.” Ngumisi ako at marahan siyang itinulak. Alam ko na kasi kung saan ito mapupunta. Umungol si Pierre. Tanda ng pagka-bitin.  Umiling lang ako habang nilagpasan ko siya at dumiretso sa itim nitong L-sofa. Pagpasok mo pa lang sa unit niya alam mo ng Bachelor ang may-ari. Puro black and gray ang makikita. From walls to its furniture. Itim. Even sa mga displays ganoon din. He also loves asymmetrical objects. Mga ilaw niya ibang klase ang mga disenyo.  Nilapag ko ang Chanel quilted bag sa couch. Hinubad ko din ang blazer at inabot kay Pierre. Mabilis kasi itong nakasunod sa akin.  “I want some wine...” Ngumiti ako sa kanya bago umupo sa sofa. Nakatingin lang ito sa akin at mukhang inaantok ang mga mata. Bumuntong hininga na lang ito at tumango.  “Alright,” sagot nito. Kinuha muna nito ang remote para buksan ang TV screen. Inabot niya ang remote sa akin pagkatapos. "Choose the movie you want," he said. Napakababaw ko para kiligin sa ganitong bagay. Masaya kasi ako na we we’re able to watch movie and drinking together. Iyong mga normal na ginagawa ng may ka-relasyon. Mabuti nga at tinupad naman ni Pierre iyon. Okay lang naman sa kanya. Akala ko nga mabo-boring-an siya sa akin pero hindi naman. Tumango ako at kinuha ang remote. Umalis ito saglit para ilagay sa rack stand ang blazer ko at kumuha ng wine. I crossed my legs while scanning for some good movies. Bumalik si Pierre bitbit na ang sparkling wine and two glasses sa kanyang kanang kamay. Nilapag niya iyon sa ibabaw ng lamesa. Umalis ulit at ng bumalik may bitbit ng isang plate ng nachos at dip. “Hindi pa ba expired ‘yan?” Natatawa kong sabi. Isang buwan naman kasing walang tao sa pad niya. May mga stocks pa rin siya sa ref. Hilig pa naman ni Pierre mamili tapos nasisira lang naman ang mga pagkain kasi nga hindi naman niya nauubos. Umaalis naman siya palagi. He chuckled. "Of course not. I checked the packaging first. Pakakainin ba kita ng sira na?” He joked. Natawa lang ako ng mahina. Binalik ang tingin sa screen habang nagsasalin na ito ng wine sa baso. "You can sleep while I watch. Alam kong pagod ka na. I miss this, you know. Lately, kasi puro ako trabaho. Hindi na ko nakakanuod ng movie. Kapag kasama lang talaga kita. Tinatamad din ako mag-isa. So, kahit na may nire-recommend si Gellie na magandang movies. I prefer not to watch it alone. Mas gusto kong kasama kita.” I winked at him and giggled.  Ngumisi lang ito habang nagsasalin ng wine. Pagtapos ay inabot sa akin ang baso. Tinanggap ko iyon. I sipped from the glass while I play the button of a suspense horror movie. I could watch this alone. Hindi ako matatakutin sa mga horror films. It excites me. "No, I'll join you," he said. Tumabi ulit siya sa akin. Nakabukaka pa naman siya habang sumisimsim din ng wine. Nilapag niya ang baso sa lamesa. Binaba ko din ang akin at kumuha ng nachos. Nakatutok na ang mga mata ko sa screen. Naramdaman ko na ang paglapit ng mukha niya sa aking leeg. Inaamoy-amoy na ako doon. Kumunot ang noo ko dahil mas lumapit pang lalo si Pierre at hinahawakan na ang beywang ko. Hinihimas iyon pataas-baba. “Hmmm...” umungol ito sa pagitan ng paghalik sa aking leeg. Napakurap ako. I can feel something that's burning inside of me, and I know this isn't good. “Pierre...” Umiwas ako at tinulak ko siya ng marahan. Naabutan ko ng namumungay ang mga mata niya. Kaso hindi ito nagpaawat. Hinalikan niya ako sa leeg muli. Napatingala ako. I know my stand on this. Hindi pwedeng umabot kami sa ganoon. Hindi ko alam kung bakit parang nakakaramdam ako ng init. Mas dumo-doble ata ngayon kaysa noon. Napalunok ako at pigil na pigil ang hininga. Tumataas na ang mga kamay ni Pierre. Naririnig ko na ang mahihina niyang mura. Nangingibabaw kahit na bukas ang stereo at nagsasalita na ang bidang lalaki sa movie. Umiwas ako ulit sa kanya. Pilit na nilalabanan ang tukso. Nagiging agresibo na naman ang kilos niya. "We need to stop. This is not right,” mariin kong sabi. Natigilan ito at napabuga ng hangin. Kinuha kong pagkakataon iyon para ayusin ang sarili. Pakiramdam ko kasi parang may mali sa itsura ko kaya panay ang hagod ko sa buhok at sa damit. "I'm not asking for your virginity. I am fine with foreplay, Aiko," he murmured. Kinuha nito ang glass at sumimsim. Medyo ramdam ko ng inis siya. Pero alam ko namang mawawala din ‘yan mamaya. Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Hindi pa ata namin nagawa iyon. O, foreplay na ba ang tawag sa kanina? Noon kasi pinapatigil ko siya agad. Nakakaramdam kasi ako ng kakaiba sa katawan. Alam ko na agad kung saan iyon mapupunta kaya pinapatigil ko na.  Kahit na ilang beses na kong nagpunta sa condo niya. We never did it. Tila nakahinga ako ng maluwag ng nagring ang cellphone ko. Nagmamadali tuloy ako ng kunin iyon. My mom is calling and my brows furrowed. “Hai, okāsan?” (Yes, mom?). Bati ko kay Mommy sa salitang Nihongo. Nakaramdam ako ng panic ng marinig itong umiiyak sa kabilang linya. "Mom?! What's the problem?" Napaupo ako ng tuwid. Si Pierre ay natigilan at nakatingin na sa akin. "Doko ni imasu ka? Ima ie ni kaette –" (Where are you? Come home now and--) Dad cut him off. Nasa bahay si Daddy? Maaga pa, ah? Anong nangyayari? Bakit niya ko pinapauwi? Kapag galit at umiiyak si Mommy nagsasalita na siya ng Nihongo. Kapag naga-away sila ni Daddy lengwahe na namin ang maririnig sa bahay. “Ochitsuite kuremasen ka, ichi? Kono-jikan ni anata no musume ni denwa suru no o yame nasai!” (Can you calm down, Ichi? Stop calling your daughter at this hour!) "Damare!" (Shut up!)     Napatayo na ako dahil sa naririnig na away sa kabilang linya. Wala akong maintindihan kung sa cellphone kami magu-usap.   “Ittai nani ga okotte iru nodesu ka? Uchi ni kaeru tokoroda!” (What the hell is going on? I'm coming home!)     Napatayo din si Pierre dahil sa ginawa ko. Pinatay ko ang cellphone at nagmamadali na kinuha ang quilted bag. Tinignan ko ang rack stand kung nasaan naroon ang aking chanel blazer. Tila naintindihan ni Pierre ang pagtingin kong iyon kaya siya na ang kumuha nito para sa akin. Kahit bakas sa mukha niya na naguguluhan sa kilos ko.     “I need to go. May emergency sa bahay,” sabi ko habang inaabot sa kanya ang blazer ko.       "Do you want me to drive you home?" he asked.      Umiling ako.         "No, you stay here. Kau-uwi mo lang. I'm sure you're tired. I'll call you later. I have to go."       Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi. Hindi ko na inantay pa si Pierre na mag-react maski ang ihatid ako hanggang pinto ng unit niya. Nagmamadali akong umalis sa condo niya ng may kaba sa aking dibdib dahil sa tawag na iyon kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD