KABANATA 4:
I was busy the whole day. Sinuri ko lahat ng wedding gowns na nagawa at iyong mga gowns na pinagawa ng mga kliyente. Hindi kasi pwede na may palpak ang mga gawa namin dahil nga bigatin ang mga kliyente. Late na ko naka-kain ng lunch at late ko na din nakita ang ilang missed calls ni Pierre dahil naiwan ko ang cellphone sa aking office.
Hindi ko naman nagawang magreply agad dahil nagbabasa pa ko ng mga messages niya. Andami pa naman. Mga anim. He informed me that he’s now with his Auntie. Nagiwan lang ako ng message at bumalik na din agad sa trabaho. But the moment na nabasa ni Pierre ang message ko. Ayun at tumawag na siya sa akin.
We talked for a while. Hindi pwede magtagal dahil nga may kailangan pa kong tapusin. As usual, ginabi na naman ako pero hindi naman tulad ng kagabi na ako ang huling umuwi. Sabay kami ni Gellie na lumabas sa opisina ko. Dahil maganda ang takbo ng aming career. Gellie was able to get a condo to stay. My former Nanny, who is her Mom, stays with her too.
Bago matulog nakipagusap pa ko kay Pierrer. Sinulit na dahil may time siya ngayong araw. Hanggang sa nakatulugan ko na lang ang pakikipagusap sa kanya.
I woke up the next morning and did my usual routine. Unlike before na hindi ko nakakausap si Pierre dahil nga sa trabaho. Panakaw lang ang tawag at text niya. Ngayon na pauwi na siya. Umaga pa lang pagkagising ay kausap ko na siya.
Para kaming teenager na hindi ata nagsasawa sa phone calls. Well, mas marami pa ang times na LDR kami dahil sa mga international commitments niya. Minsan nags-stay siya sa ibang bansa dahil sa mga projects. Uuwi siya sa bansa mga one month din. Kaya kapag ganoon palagi din siyang dumidikit sa akin kung may pagkakataon. I don’t mind. Mahal ko naman din at I find it sweet.
Kapag LDR naman, basta may free time siya to call or text me. Ginagawa naman siya. Kaso kapag busy ako talagang hindi ko nasasagot ‘yon. Hindi nagkakatagpo ang oras naming dalawa. Hindi naman siya nagagalit. Naiintindihan naman niya. Of course, ganoon din ako sa kanya. Kung hindi nito masasagot ang tawag ko. Alam ko ng busy siya.
Iyong tungkol ‘doon’ ay hindi na namin pinagusapan pa. Alam ko namang hindi niya ulit uulitin ‘yon dahil nga halatang iniiwasan ko na sagutin ang tanong niya. Sumagot ako ng emails and calls ng umaga. Mayroon din kaming meeting bago nagtanghali.
Alam na din ni Gellie na maaga akong aalis dahil susundo pa kay Pierre sa airport. Kaya pagpatak ng Two PM kahit na may dapat pa kong gawin at tapusin ay pinagpaliban ko na muna. I have a mini wardrobe inside my office. So, I decided to change my clothes since naka-pang office attire pa talaga ako ngayon.
I choose to wear a white sweetheart neck top and a high waist tulip skirt. Sinipat ko ang sarili sa full-length mirror. Inayos ko ang itaas ng skirt at gumilid ng kaunti para tignan ang hubog ng aking puwitan. Naabutan ako ni Gellie sa ganoong posisyon ng pumasok siya sa opisina.
“Look, who’s sexy! I will not be surprised why Pierre keeps on asking you that question.” Humalakhak ito sa sariling sinabi.
Hindi ko na siya nilingon at napailing na lang ako sa harap ng salamin. I wear this kind of clothes kahit na hindi pa kami nagkaka-kilala ni Pierre. Bakit ko kailangan baguhin ang pananamit ko para lang hindi niya maisipan na itabi niya ko sa pagtulog? Dapat ba balot na balot ako sa harap niya para hindi siya maakit sa’kin? I have no intention to seduce him.
Umayos ako ng tayo sa harap ng salamin. My upper abdomen is showing. Ang buhok ko naman ngayon ang inayos ko at sinuklay gamit ang aking mga daliri.
From my peripheral vision, nilapag ni Gellie ang bitbit nitong mga papel sa aking lamesa.
“I’ll leave the docs and cheques on your table. For signature mo na lang ito.”
Bumaling ako sa kanya at bumagsak ang tingin ko sa mga papel na nasa lamesa. Medyo marami-rami.
“Kailangan na ba ‘yan o pwede naman bukas?”
“No worries, kahit bukas mo na pirmahan.” She winked at me.
Binalik ko ang tingin sa salamin. Ginulo ko ng kaunti ang buhok para mas volume pa siya ng kaunti. Mas mukha kasing classy tignan sa aking paningin.
I have a long black short hair. Hindi ko hilig magpahaba ng buhok. Ang pinakamahaba ko na ay hanggang balikat. Mas kumportable ako sa maiksing buhok. Iyong hanggang sa ilalim lang ng aking tainga. I used to iron my hair every day. Mabilis lang gawin dahil nga maiksi lang naman at manipis ang buhok ko.
My body is slim. Hindi ganoon kalaki ang aking dibdib at likod tulad ng sa ibang babae. Isa nga iyon sa insecurities ko, e. Dinadaan ko na lang sa poise at fashion para naman hindi na lang mapansin kung anong kulang sa akin.
My skin is pale white. Kahit na ibilad mo ko sa araw ng ilang oras hindi ako mangingitim kundi mamumula lang ang aking balat tapos babalik ulit sa dati nitong kulay. I set out my eyelashes. Nagpapa-eyelash extension pa ko kasi nga maiksi ang akin. Ang mga mata ko ay singkit. Kaya kapag tatawa ako nawawala tuloy ang aking mga mata. Habang ang iba kong ka-lahi ay nagsisipag double eye lid na. Mas pinili ko na lang na huwag ipagalaw ang sa akin. Okay naman ako sa itsura ko. Wala akong dapat ipagalaw sa ginawa ni God.
I believe everyone is beautiful, and so I am.
Matapos mag-lipstick ay inabot na sa akin ni Gellie ang aking black Chanel quilted bag. I am obsessed with this brand, same with LV. Kaya halos lahat ng gamit ko ay itong dalawa ang brand. I-ilan lang ang Gucci or other brands. Mga nagbibigay sa akin ng regalo alam na nila kung saang brand bibili. Obvious kasi sa mga gamit ko. Ipinatong din niya sa aking balikat ang black chanel blazer.
Sabay kaming lumabas ni Gellie sa opisina. Bumalik ito sa pwesto niya. Nagpaalam ako sa ilang staff na nakasalubong. May ilang kliyente akong nakita at bumati lang ng mabilis at nagmamadali na kong lumabas at nagtungo sa parking.
Pinatunog ko ang sasakyan. Nilapag ko ang quilted bag sa passenger seat at pumasok na sa loob para magmaneho. I glanced at my wristwatch. It’s three in the afternoon. Sakto lang naman dahil may trapik pa din kahit naman hapon.
Nagmessage sa akin si Pierre kanina na onboard na siya kaya alam kong nasa biyahe na iyon sa mga oras na ito. He wants me to stay outside the airport. Huwag na daw ako magtangka dahil may media na naga-antay sa paglabas ni Pierre. Kukuyugin lang kaming dalawa.
Sakto lang ng makarating ako sa airport. Pierre called and palabas pa lang siya with some security. International model si Pierre. Sikat at halos kilala na sa bansa dahil sa naglalakihang billboards nito sa edsa. Paulit-ulit pa na mukha sa mga commercials kaya ang mga tao kilala na siya. The media loves to cover his arrival. Syempre isisingit nila hanggat maari ang mga interview.
Ayoko naman ng ganoon. As much as possible, I want our relationship to keep in private. Pero paano nga naman mangyayari, e pareho kaming kilala.
Napapikit ako ng mariin ng makitang may isang media na nakapansin sa aking sasakyan. May nagaabang na din pala kay Pierre sa labas. Tinuro nito iyon sa kasamahan. Iyong dalawa tuloy mabilis na nagtungo sa sasakyan ko.
Mabuti na lang at tinted ang mga salamin. Kaso panay naman ang katok nila sa bintana. Alam ko na agad na hihingi ng interview. Dapat pala ibang sasakyan ang dinala ko. Nawala sa isip ko dahil sa dami ng ginagawa sa trabaho. Dagdag na medyo excited din akong sumundo. Ayan, pinuntahan ako.
“Love, May dalawang media na dito,” bungad ko agad sa kanya ng tumawag ito.
“Alright, keep your windows and door closed. I’ll almost there.”
Pinatay ko agad ang tawag at sumandal sa upuan. Tiniis ko na lang ang nakakainis na katok ng media sa labas. Bahala kayo mapagod sa kaka-katok hindi ko kayo lalabasan. Binuksan ko na lang ang stereo at nakinig ng music para ma-distract. My phone rang and it was Pierre.
Nag-angat ako ng tingin pero sinagot ko pa rin ang tawag niya kahit nakita ko ng lumabas na siya ng airport kasama ang ilang security. Iyong dalawa na nangungulit sa akin tumakbo pa-lapit sa direksyon ni Pierre.
“Open the door, Love.”
Tumango ako at pinatay ang tawag. May dalawang security na tumakbo sa sasakyan ko at pumwesto sa gilid ng pinto. Binuksan ko na at humarang na sila doon para hindi makasingit ang mga media. Natanaw ko si Pierre. Piercing pa lang sa tainga ay kilala ko na. In-escort-an pa rin siya ng security hanggang sa makarating sa sasakyan ko.
Nagmamadali itong pumasok sa Porsche at sinara ang pinto. Pinasok naman ng isang security ang luggage bags nito sa harapan ng sasakyan. May compartment kasi doon.
Ngumisi ako kay Pierre. Inangat nito ang suot na aviators bago tumingin sa akin.
“Welcome back to the Philippines!” bati ko sa kanya. Humagikgik ako pero siniil lang niya ako ng halik sa labi.