KABANATA 3

2335 Words
KABANATA 3: I woke up early the next morning. Kahit late na ko umuwi kagabi. Hindi naging dahilan iyon para hindi ako gumising ng maaga kinabukasan. I messaged Pierre before I jog around the village for thirty minutes. Kapag sinipa ako ng kasipagan. Ganito ang ginagawa ko sa umaga bago pumasok sa office. It’s impossible for me to exercise after work since late nga ako umuuwi at s’yempre busy dahil nga sa upcoming Bridal Week. I took a quick shower and did my usual morning skincare routine. May liwanag na ng umalis ako sa bahay. For sure, my team are already in the office. I parked my Porsche and entered the office. It’s a spacious office for me. I bought this last year since hindi na kasi kami magkasya sa maliit na space ko noon. Pina-renovate ko na lang and made it into modern-contemporary style design. Windows are made of large glass. Kaya kitang-kita mo ang loob mula sa labas.  Binati ako ng ilang empleyado. I have total of forty employees. Dumami din kasi ang na-hire kong tailors. Dagdag pa at meron na din akong finance and marketing team. As months passed by, dumodoble talaga ang dami ng kilyente namin. Ever since I wanted to have my own clothing line instead of working for a famous brand, I wanted to have my own headquarters. Now, it’s happening.  Every time I think about leaving my job. Bumibigat ang pakiramdam ko. Lalo na nakikita kong umaarangkada na at nakikilala na ako sa industriya. I have no choice but to leave when the time comes. I should be grateful that I experienced reaching my dreams in a short period of time. Ang worry ko ay ang mga empleyado.  Marami na sila at ngayon pa lang naawa na ako kapag nawalan na sila ng trabaho dahil hihinto na din ako. No one can manage my company. Kung mayroon man. Hindi na sana ako masyadong problemado ng ganito.  I’m just a newbie in the business but I manage to get high-profile clients. Hindi man ganoon kalaki ang aking kumpanya pero dahil sa dami ng bigating kliyente. Hindi malayong lalago pa itong company ko. Nakikita ko ng sa paglipas ng panahon, magiging building na din itong buong office namin. Pagkita pa lang sa akin ni Gellie ay sumunod na ka-agad sa akin sa loob ng opisina. Nilagay ko ang Chanel sling bag sa rack stand bago umupo sa swivel chair at buksan ang laptop. I’m going to check my mails bago ko silipin ang showroom. “Dalawang dress na lang ang on-going ngayon. Iyong pinahabol mo. Pwede mo na ring i-check sa showroom mamaya ang mga gowns.” “Alright,” sabi ko habang ang mata ay tutok na sa mga e-mails. May mga bagong clients na naman. I am planning to stop accepting clients atleast one month after the show. Although, wala pang sinasabi si Daddy sa exact month. Magla-laan na lang ako ng isang buwan. Ayoko sana siya tanungin kung hanggang kailan ako sa trabaho. Baka kapag ginawa ko iyon bigla niyang sasabihin na huminto na ko kasi nakukuha ko ng itanong.  But then again, I am worried for my employees and clients. Continues ang pagtanggap ng team sa mga inquiries. Pero syempre sa akin pa rin ang huling approval. Kailangan pa rin nilang magkaroon ng heads up sa plano kong paghinto para makahanap din sila ng trabaho. Ayoko lang na sabihin agad dahil baka magalsa-balutan sila bago mag Bridal Week. Maiwan akong nagkukumahog at magisa sa pagaasikaso ng mga gowns kasi nagsipag-lipatan na sila sa ibang company.  “O-order na ko ng breakfast. The usual pa rin ba?”  “Yeah...” I answered while replying to an e-mail. Narinig ko din na lumabas na siya. I am still busy reading my e-mails when my phone rang. I grab my sling bag from the bag rack stand. Pierre is calling. It’s 7:30 AM, and it’s unusual for him to call this early. He’s not a morning person. But of course, except, kung may trabaho. Akala ko last na kahapon ang shoot niya at flight niya mamaya pauwi? “Hey, Love! Morning...” he greeted using a bedroom voice.  Inipit ko ang cellphone sa kabilang tainga habang bumalik sa kaninang pwesto. Nagbabasa ulit ng mga emails. Ang dami kasi lahat ng emails sa finance and marketing ay nak-CC ako. Iniisa-isa ko talaga ang mga iyon para lahat ng nangyayari sa kumpanya ay alam ko. “Hmm... morning! I thought you were done with your photoshoot yesterday? Hindi ba flight mo na mamaya pauwi?” I asked while my eyes are busy scanning all my e-mails. He chuckled. “You seem so forgetful these days.” Natigilan ako sa ginagawa. Napaisip at sumandal sa upuan. “I’m going to meet my auntie today.” “Oh, sorry!” Natampal ko ang noo. Narinig ko ang halakhak at ang pagbukas-sara ng pinto sa kabilang linya. “My mind is pre-occupied with the upcoming Bridal Fashion Show. Anyway, I’m gonna fetch you at the airport tomorrow.” Bumalik ako sa pagbabasa sa mga emails. “You sure?” he asked. Narinig ko ang tunog ng nilapag na cup sa lamesa. Mukhang magka-kape na siya. “Yeah, I’ll leave the office early in the afternoon,” sagot ko. Four pm ang kanyang dating sa Manila. I should be at the airport by three pm. “How about the media?”  I rolled my eyes. “God, fine! I’ll stay in my car while waiting for you.” “You don’t have to fetch me. I’ll come over to you instead.” “Pierre, it’s fine. I really wanted to do it. I never did such a thing in the past, you know.” I giggled. Muli ko na namang tinigilan ang pagbabasa at sumandal sa upuan. I love Pierre. Sa lahat ng naging boyfriend ko in the past. I can say that ours is serious and a mature one. A relationship that I dream even before. My past exes were immature and crazy. Ang daming rules. Maraming bawal. I am not allowed to wear shorts or clothes that show some skin! Iyong isa naman ang hilig sa party, which is the opposite of me. The last one before Pierre was a womanizer! Dahil nga hindi naman ako selosa. Hindi ako mabilis maghinala lalo na sa mga katrabaho niya. I never knew na andami pa lang niyang babae and sadly, I was one of them. Mahina ata ako kumilatis ng tao. Mabilis akong maniwala na iyon talaga sila noong getting to know stage pa lang kami. Pero ‘nong kami na biglang nagbago.  That’s why it took four months before I say yes to Pierre. Siya ata ang pinakamatagal na pinagantay ko. Sumunod ay dalawang buwan at parehong isang buwan bago ko sinagot. So far, okay ang relasyon namin ni Pierre. Ten months na din kaming dalawa. Kung ano pagkaka-kilala ko sa kanya noong una. Nanatiling ganoon pa din hanggang ngayon. Except for one thing... “Can you sleep in my condo tomorrow?” he murmured. Boys will always be boys. After six months of our relationship. Nagpapasaring na siya sa akin. I used to hear those words from my exes, and I declined. I’m not ready. Hindi naman tinapay itong gusto nilang makuha sa akin na akala mo ang dali-dali at pwede ng kahit kanino lang ibigay.  I treasure my virginity. Hinubog ako ni Mama at Papa na ito lang ang napakagandang regalo na maibibigay ko sa aking asawa. I agree pero kung ang mapapangasawa ako ay iyong lalaking mahal ko. I am more than willing to give in. Paano nga kung hindi? Tulad ng gusto nilang mangyari sa akin na ipakasal ako sa isang businessman? It gives me chill whenever I think of that. I quickly imagine an old businessman. Hindi ko masikmura. Siguro naman hindi iyon gagawin nila Mama na ipareha ako sa medyo bata lang sa kanila pero ilang taon naman ang tanda sa akin. Mas gusto ko pa iyong nasa twenties din. Iyong hindi nalalayo ang edad sa akin. “You’re not serious with me...” aniya sa kabilang linya. May bahid ng pagdududa pero ramdam ko ang iritasyon doon. Umayos ako ng upo at nakuha na ni Pierre ang buong atensyon ko. “I am, Pierre! Hindi naman basehan ‘yan. You know my stand about this.”  He took a deep breath. “I understand. I know you’re going to abandon me when your parents starts to introduce the man you’re going to marry.” Umawang ang bibig ko. Aware si Pierre sa issue na ‘yon dahil lumabas na news tungkol sa akin at sa aming pamilya. Nadulas kasi ang Tita ko ng sabihin ang tungkol sa arrange marriage ng kanyang pamangkin. Kumalat tuloy iyon sa tabloids at nalaman ni Pierre.  He confronted me. I have no choice but to tell him the truth. Now he’s asking kung saan ba pupunta itong relasyon namin. I love him. Sabi ko I’ll try to convince my parents to stop that idea kahit na ang totoo impossible naman iyon. Hindi kasi titigil si Pierre hanggat walang nakukuhang matino sa akin. After that, he keeps on asking about meeting my parents and so I did. Nakilala na siya nila Dad and Mom. They are civil. But I know their plans haven’t changed. Hindi ko alam kung ramdam iyon ni Pierre dahil wala ng lumabas na issue tungkol doon. Pero binabalikan niya at pinagdududahan ako at ang relasyon namin kung seryoso ba talaga ako. We talk about our problems and maya-maya wala na lang ulit. Okay na. Balik sa dati.  “If you are serious about us, then sleep with me tomorrow.” My mouth drops. Napatingala ako sa kapapasok lang na si Gellie. May bitbit ng paperbag ng pagkain at Starbucks coffee. “You know, It’s not easy for me, Pierre. I have to go. Eat your breakfast. I’ll call you later.” Pinatay ko agad ang tawag. Hindi ko na siya inantay na sumagot pa. Palagi kong iniiwasan iyong mga pasaring niya sa akin. Hindi pa ko ready pero hindi naman si Pierre namimilit kapag kaming dalawa lang. I visit his condo. Kahit kaming dalawa lang basta pag sinabi kong ayoko. Hindi naman niya itutuloy pero alam kong may kaunting inis siya sa nangyari. Hindi naman kami naga-away ng malala tungkol dito. As I’ve said, kapag tumanggi ako. Stop na siya. Maiinis pero mamaya okay na kami. I know he’s scared. Natatakot ito na iwan ko. Baka kasi nga hiwalayan ko siya kapag natuloy ang plano ng pamilya ko. Hindi ko tuloy masabi-sabi sa kanya na totoo nga iyon. Natatakot din ako na magka-away kami. Baka iwan din niya ako. Sobra na rin akong nahulog at na-attached kay Pierre but not enough to surrender my virginity.  Hindi ko din alam ano bang gagawin ko. Ano ba ang dapat gawin. I’m completely torn. Alam kong wala akong magagawa sa desisyon nila Daddy, but I love Pierre so much. Thinking of breaking up with him makes me sick. Parang go with the flow na lang ako. Iniisip ko itong trabaho ko. Pati love life ko isa-sakripisyo ko. “Okay ka lang? Gusto mo mamaya na lang ako babalik,” sabi ni Gellie. Nakadungaw na sa akin. Natulala na pala ako. Nakalimutan kong nandito pala siya. We used to eat breakfast together.  Umiling ako at tumango. Pumunta sa lamesa kung nasaan ang pagkain. Nakalatag na doon. Umupo kaming pareho. “Problems?” anito.  Nag-angat ako ng tingin. Abala na si Gellie sa pagkain ng grilled cheese. I sighed. “Naguguluhan at sumasakit na ata ang ulo ko sa problema ko sa pamilya. Pareho akong pine-pressure ni Pierre at ng plan ni Daddy.” Nawalan man ng kaunting gana ay pinilit ko pa ring subukan na kainin ang french toast. “Maski ako, kung nasa sitwasyon mo. Mababaliw ako. Siguro, kung wala kang magagawa sa decision ng Daddy mo. Pangit man itong advise ko pero iyon ang tingin kong dapat mong gawin. Break up with him. Doon din ‘yon pupunta, Aiko. Masasaktan ka pa rin. Masasaktan lang kayong pareho kaya habang hindi pa sobrang sakit. Bitiwan mo na lang. I don’t know how painful it is. Pero mas masakit ata iyong break-up na wala ka na lang choice. Iyong biglaan. Atleast, you still have time to heal. Ganoon din siya. He deserved to heal lalo na kung iiwan mo din pala.” Natulala ako at nanubig bigla ang aking mga mata. I swallowed hard. Hindi na ko makakain dahil sa sinabi ni Gellie. “Hindi ko kaya. I love Pierre.” Nagluluha na iyong mga mata ko. Naninikip ang dibdib ko sa ideyang hihiwalayan ko si Pierre. “Kung di mo kaya. Ipaglaban mo sa kanila. But the question is, kaya mo ba? Sasamahan ka ba niya sa battle na iyon? You should talk to him about your worries. Hindi iyong ikaw lang ang sumosolo.” She sipped from her cold coffee. “H-he... he keeps on asking me about it... Natatakot siya na baka nga iwan ko. Natatakot din ako na sabihin ang totoo kasi baka umalis siya.” I grab my hot coffee and looked away.  “W-what? Anong tinatanong niya sa’yo?” “About uh—you know...” I can’t tell her the exact word. I immediately blushed, and she saw it. Nagkaroon siya ng ideya. “OMG! You mean ‘yong ano? ‘Yan ano mo?!” Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras. I freak out dahil napalakas ang boses niya. Her eyes and mouth are wide open. “Shhh!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD