KABANATA 31: MANGINGISDA si Hernan. Sa Quezon Province daw kami nakatira noon pero dahil sa bagyo at baha. Naanod ang bahay namin. May pinsan si Hernan na taga Calaguas kaya doon niya planong tumira kami. May bahay daw itong hindi na natitirhan at pu-pwede kami. Kaya doon kami patungo ngayon. Nakalabas kami sa Hospital ng walang problema sa bayarin. Medyo nagaalala pa ko noong una dahil baka wala kaming pera dahil pangingisda lang ang tanging trabaho ni Hernan. Pero hindi kami nahirapan dahil sa tulong ng gobyerno kaya nabayaran. Mabuti na lang at may mababait na politicians ang tumulong sa amin. Bumabagyo din ng na-aksidente ako. Nabunggo daw ako ng sasakyan. Tinatanong ko si Hernan kung ano bang gagawin ko at saan ako pupunta non pero hindi rin nito alam. Nagulat na lang daw ito n