KABANATA 30: NAGISING ako na kalmado na. Agad ang pagdating ng Doctor para tignan ako. Hinanap ko iyong lalaking naabutan ko kahapon pero ngayon ay wala siya. Nagpaliwanag ang Doctor sa kondisyon ko. Tahimik akong nakikinig pero patuloy ang aking pagluha. Ilang tanong ang sinagot ko sa kanya. Lahat iyon ay wala akong maalala. Hindi na ko pinilit. Dahil sa lakas ng impact ng pagkakauntog ko ay hindi na ko makaalala. Hoping pa rin naman ako na babalik dahil sabi ng Doctor may chance din talaga na mangyari iyon kaya huwag kong i-stress ang sarili para mas madali akong maka-recover. Ako pa mismo ang nagtanong sa Doctor kung ano ba ang nangyari sa akin pero maski siya ay walang alam. Dinala na lang daw ako sa hospital na duguan at may bali ng buto sa katawan. Lalo na sa balakang at hita.