KABANATA 38: TAHIMIK ako habang naga-antay sa chopper na maghahatid sa amin sa Manila. Nagpasundo si Elijah sa sasakyan sa kalapit na Hotel. Nasa Helipad na kami at naga-antay. Malapit na din magdilim. Nasa tabi ko si EJ at abala sa pakikipag-usap sa cellphone nito. Masamang-masama pa din ang luob ko. Galit at dismayado. Pumapatak pa din ang aking luha sa tuwing naalala ko na naman lahat ng ginawa nitong kasinungalingan maging ang katotohanang magkaka-anak na sila ni Winona. I decided not to call my family. Uuwi ako sa amin ng hindi nila alam. Parang mahihirapan ako magpaliwanag sa kanila kung sa telepono kami magu-usap. Alam kong magtatanong si Daddy pero buo ang loob ko na sabihin lahat sa kanila ang totoo. Hindi ako sigurado kung sa mga oras na ito may ideya ba sila sa nangyari k