KABANATA 33: SINALUBONG ko si Hernan sa dalampasigan. Totoo nga ang sabi ni Suzy na ang mga tao doon ay halos sa amin na nakatingin. Naiilang tuloy ako. Paulit-ulit ang sabi nila na tisoy at tisay. Mga mukhang Foreigner. Naiilang tuloy ako. Pareho kaming may may lahi ni Hernan. Iyong kwento ko kay Suzy ay base lang din sa kung anong sinabi ni Hernan sa akin. May lahing Chinese si Hernan. Iyong Tatay niya ay may lahi din ang Mama niya ay hindi. Tinakwil ang Papa ni Hernan dahil naka-buntis ito sa hindi nila kalahi. Kaya napadpad sila sa Quezon. Sa Papa ko naman na hapon ay hindi naman sila mayaman talaga. Hiwalay ang mga magulang ng Papa ko at napabayaan siya. Kung kani-kanino daw ito nakitira dahil ayaw ng parehong asawa ng mga magulang niya sa kanya. Iyon nga lang hindi alam nila H