KABANATA 34: PINAGMAMASDAN ko ang natapos kong long sleeves para kay Hernan. Napangiti ako sa kinalabasan. Paniguradong kasya ito sa kanya. Sa sobrang sabik ko magtahi. Pinilit kong tapusin. Mano-mano pa man din ang tahi. Madaling araw na ko natapos at nagligpit ng kalat bago natulog. Naalimpungatan ako sa tawag sa akin ni Hernan. “Camila...” tawag niya. Masuyo niyang hinahaplos ang aking buhok. Inaantok pa ang mga mata ko pero sinubukan kong idilat ang isa. Nakita kong nakaligo at nakabihis na siya! Agad ang pagdilat ng aking mga mata. “Hala, hindi ako nagising! Pasensya na Hernan,” paghingi ko ng paumanhin. Sinubukan ko pang bumangon pero hinawakan niya ang balikat ko para ibalik ako sa higaan. “Mukhang napuyat ka sa kaka-tahi kagabi. Matulog ka muna ulit, Camila.” Ipinikit k