Point of view - Ailana Martinez - Alas sais pa lang ng umaga, nag-ayos na ako at bumangon. Sinigurado ko na sa pagkakataong ito, babawi ako at hindi na magiging late sa trabaho. Ngayong araw, nagsuot lang ako ng isang itim na skinny jeans at puting t-shirt. Sinuot ko rin ang rubber shoes na binili ko nang magkaroon ako ng libreng oras. Nagmadali akong pumunta sa unit ni Wong at kumatok sa kanyang pinto. Hindi nagtagal, bumukas ang pinto ng unit niya. Agad na tumambad sa aking mga mata ang basang buhok ni Wong at ang nakatakip ng tuwalya niyang ibaba. "You're here. Maaga ka ngayon, ha?" rinig kong wika niya. Mariin akong napalunok nang tumama ang aking mata sa maganda niyang katawan. Halatang modelo ang hubog nito, dagdagan pa ng biceps at anim niyang pandesal. "Tapos ka na bang pag