Point of view - Alexander Wong - Malamig ang sahig na aking kinahihigaan. Hindi ko na alam kung ilang beses akong pinarusahan ng mga namamahala sa bahay ampunan na ito. Hindi ko alam kung ilang beses na akong umiyak dahil sa mga pagbabato nila sa akin ng kasalanan na hindi ko naman ginawa. Dito na kami lumaki ni Ate Marga sa isang bahay ampunan. Simula nang mamatay ang aming mga magulang sa isang car accident, walang sino man ang kumopkop sa amin kaya rito kami napunta. Bata pa ako ng mga panahon na iyon at ang ate ko ang nag-aalaga sa akin. Hindi niya ako kailanman pinabayaan at nagpapasalamat ako dahil kasama ko siya. Halos ilang taon kaming nanatili sa lugar na iyon. Ilang taon kaming naghangad na may mga taong umampon sa amin. Ngunit maraming panahon ang lumipas, tila napabayaan n