Point of view - Ailana Martinez - "Alam mo ba kung ano ang problemang pinasok mo, Yana?" Nais kong lumubog mula sa kama na aming inuupuan habang patuloy ang pangangaral sa akin ni Ellen. Alam ko at maliwanag sa akin ang bagay na pinasok ko. Ang bagay na pinili kong tahakin at ang bagay na maaaring kahantungan ng mali kong ginagawa. Ngunit hindi ko ginusto ang bagay na ito. Hindi ko naman ni nais na muli kong makasama si Eli. Hindi ko hiniling na muli ko siyang makita, bagkus, tila ang tadhana ang naglapit sa aming dalawa. Dahil na-corner na ako ni Ellen at ayoko na rin magsinungaling pa sa kanya, ipinagtapat ko ang tungkol sa amin ni Eli. Maging ang tungkol sa Isla De Escondido ay pinagtapat ko sa kanya, halos wala na akong sekretong tinago dahil alam kong kapag naglihim pa ako, hind