Point of view - Ailana Martinez - Nakatitig ang aking mga mata sa harap ng laptop na pinahiram sa akin ni Kenji. Dahil wala na akong trabaho, nanatili akong muli sa tahanan ng aking kaibigan at ngayon ay nangangalap ng kaunting kaalaman tungkol sa bansang Dubai. Alam kong isang bagong hamon ang aking haharapin dahil sa desisyong ginawa ko, ngunit mabuti na ang ganito, mabuti na ang matuto akong magsimulang muli. Sa madaling sabi, malugod kong tinanggap ang alok sa akin ni mamita na trabaho sa Dubai. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil kahit hindi ko naman siya kadugo, sobra-sobra ang binibigay niyang oportunidad sa akin, tatanawin kong malaking utang na loob ang mga bagay na kanyang ginagawa at hinding-hindi ko iyon malilimutan. "Oh, nakita mo na ba ang hinahanap mo, Yana?" Tumaas ang