Point of view - Eliseff Montemayor - Kailangan pa bang may mangyaring masama sa mga mahal mo bago pa itama ang mali? Kailangan pa bang may magbukas ng nakapikit mong mata upang maipakita sa 'yo ang katotohanan? Pilit kang nagbubulagbulagan sa mga bagay na alam mong hindi tanggap ng lipunan, dahil masaya ang iyong pakiramdam sa mali mong nararamdaman. At ngayon, may isang taong malapit sa iyong puso ang nalalapit nang mawala sa 'yo, isang tao na lubos mong minamahal ang naging susi upang ikaw ay magising sa matindi mong kahibangan. Ang aking mga mata ay nakatulala sa kawalan. Kasalukuyan kong iniisip ang mga bagay na sana ay noon ko pa tinama. Ang mga maling desisyon na alam ko namang walang maidudulot na maganda ay sana noon ko pa inayos. Tama na, Eli. Tama na ang pagpilit sa bagay n