Chapter 47

2044 Words

Point of view - Ailana Martinez - "Kasalukuyang nasa ospital at kritikal ang anak ng mag-asawang Marga at Eliseff Montemayor. Tahimik naman ang pamilya Montemayor tungkol sa nangyari at walang sino man ang nais magbigay ng pahayag kung paano nangyari ang bagay na ito. Ang tanging malinaw lang, tumakbo ang batang si Nathan palabas ng bahay at sa kasamaang palad, isang rumaragasang kotse ang nakabundol sa kanya." Nanginginig ang katawan at nakatakip ang aking bibig gamit ang aking kamay. Sunod-sunod ang pagluha ng aking mga mata habang pinapanood ang balita ngayon sa TV. Tumangging magkomento si Eli upang ako ay protektahan, ngunit sa kaibuturan ng aking puso, lubos ang aking pagsisisi. Isang hikbi pa ang aking ginawa. Halos hindi na ako makahinga dahil sa aking walang tigil na pag-iyak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD