Point of view - Ailana Martinez - Nagsimulang uminit ang aking pakiramdam. Maliliit na ungol ang tumatakas sa pagitan ng maiinit na halik namin ni Eli. Tila nasa alapaap ang aking isip at ang pagkasabik ko sa kanyang labi ay unti-unting napupunan. Bagamat pareho naming alam na mali ang bagay na aming nararamdaman, hindi na namin alintana ang mga sasabihin ng ibang tao na manghuhusga sa amin. Basta ang alam ko, ang lalaking aking kayakap ay ang nag-iisang lalaki na nais kong ipaglaban. Naramdaman ko ang paglayo ni Eli sa kanyang labi, nagtama ang tingin namin sa isa't isa na tila nag-uusap sa aming isip. "Are you sure about this, Yana?" mahinang tanong sa akin ni Eli. Marahan akong tumango bilang tugon sa kanya. "Yes, Eli," saad ko. "I love you..." Ang katagang sinambit ni Eli ay t