Point of view - Ailana Martinez - Nanginginig ang aking katawan habang nakatitig sa mga hawak kong papeles. Maging ang aking mata ay hindi mapigilan ang sunod-sunod na pagluha dahil sa mga bagay na aking nababasa ngayon. Pilit kong pinapasok sa aking isip ang mga bagay na nakasulat sa mga dokumento na nasa aking harapan, ngunit tila hindi ako makapaniwala sa mga bagay na ito. All this time, akala ko ay wala na akong halaga sa kanya. All this time inakala kong pinabayaan niya lang ako nang gano'n na lang. Ngunit bakit? Bakit hindi mo man lang sinabi, Eli? Magulo ang aking isip. Maging ang aking damdamin ay hindi ko maintindihan. Nais kong sumigaw at magwala. Nais kong malaman kung ano ba ang katotohanan. Hindi ko alam na ang lahat ng nangyari sa aking buhay ay nakasulat na sa isang p