Chapter 44

2123 Words

Point of view - Ailana Martinez - "Yana, gising na! Nakapagluto na ako ng almusal." Narinig ko ang pagbukas ng kurtina. Isang liwanag na nagmula sa sinag ng araw ang tumama sa aking mata, dahilan upang magising ang aking diwa. Masiyado akong naaliw sa fireworks na pinanood ko kagabi, kaya naman, halos late na akong nagising. "Yana," muling banggit ni nanay sa aking pangalan. Tinapik niya ang aking paa upang gisingin ako. Kahit mabigat ang talukap ng aking mga mata, pinilit ko pa ring imulat ang mga ito at gumising. "Nanay, anong oras na po?" tanong ko. "Oras na para tayo'y mag-umagahan. Kumakain na sila sa labas," wika ni nanay. "Mag-ayos ka na at sumunod ka na agad. "Opo," walang gana kong tugon. Inunat ko ang aking mga paa, gano'n din ang ginawa ko sa aking kamay. Nang tuluyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD