Point of view - Ailana Martinez - Magkahalong saya at lungkot ang aking naramdaman nang makita ko ang pagdating ng aking magulang at anak sa aking kaarawan. Masaya, dahil maipagdiriwang ko ang araw na ito kasama sila. Malungkot, dahil hindi ko maaaring sabihin na ang batang si Ivan ay aking anak. Kailangan kong paniwalain ang aking mga katrabaho na si Ivan ay isang bata na kinupkop ng aking mga magulang at nanay rin ang tawag niya sa akin. Tanging si Wong lang ang nakaka-alam ng totoo sa aming pamilya. Sa tingin ko, mabuti na rin ang ganito, upang hindi sila madamay sa eskandalo. Kasalukuyan kami ngayong nag-aayos ng gamit dahil tapos na rin ang ginawa naming photoshoot. Napagdesisyonan namin ni Wong na kumain sa labas kasama ang aking pamilya. Masaya kaming sumakay sa kotse ni Wong

