Point of view - Ailana Martinez - Mabilis ang t***k ng aking puso sa bawat halik na binibigay ni Wong. Ramdam ko ang labis niyang pagmamahal dahil sa ingat ng kanyang paghawak sa akin. Pakiramdam ko, isa akong babasaging bagay na ingat na ingat siyang hawakan. At dahil sa bagay na kanyang pinadarama, nararamdaman ko ang aking importansya. Ngunit tila bumalik sa ulirat ang isip nang magsimulang maglakbay ang kanyang kamay sa aking katawan. Mabilis kong nahawakan ang kanyang kamay upang ito ay pigilan. Huminto siya sa kanyang ginagawa at sa paghalik sa aking labi. Nilayo ko ang aking mukha sa kanya at bahagyang tinulak ang kanyang katawan. "S-Sorry, Wong," nauutal kong wika habang hinahabol ang hininga. Tila naintindihan naman ni Wong ang nais kong sabihin dahil tumigil din siya sa k