Point of view - Alexander Wong - Binaybay ko ang kalsada patungo sa mansion ng Montemayor. Nangninisik ang aking mga mata habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela. Wala na akong pakialam kung makita pa ako ni Eli sa mansion nila, ang nais ko lang ay makausap ang aking kapatid. Nang makarating ako sa mansion ng Montemayor, sa gate pa lang ng kanilang bahay ay ayaw na nila akong papasukin. Ngunit nang tawagan ko ang aking kapatid na si Marga, bumukas din ang gate at nakapasok ang aking kotse. Ito ang unang beses na papasok ako sa mansion ng Montemayor. Ngayon ko pa lang din makikita ang anak ng aking kapatid. *** Kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng opisina ng aking kapatid. Binigyan ako ng kape ng isang kasambahay na nandoon habang hinihintay ko si Ate Marga na dumating. Hindi n