Point of view - Ailana Martinez - Matagal na rin simula nang nakasakay ako sa bus. Mabuti na lang at nakasuot ako ng mask at sumblero upang hindi makilala ng mga tao. Gano'n din ang ginawa ni Wong, dahil sa aming dalawa, siya ang mas kilala. Dumungaw ako sa bintana ng sinasakyan naming bus. Hindi pa rin nagbabago ang lugar na ito, maganda pa rin at ramdam ko na ang paglapit ko sa probinsya. Nararamdaman ko na ang paglayo namin sa maynila. Nang kami ay makarating sa terminal, bago tuluyang makapunta sa Isla De Escondido, kailangan munang sumakay ng bangka. Halos sa buong byahe namin ni Wong, nakapako lang ang ngiti sa aking labi. Nababalot ng kasiyahan ang aking puso dahil sa wakas, muli kong makikita ang islang kinalakihan ko. Nang kami ay makasakay sa bangka, huminga ako nang malal