Point of view - Eliseff Montemayor - Nang maayos at maihanda ang aking sasakyan sa paglipad patungo sa palawan, agad akong nag-iwan ng mensahe kay Marga na maaaring hindi ako makauwi ngayong araw, dahil may aasikasuhin akong isang mahalagang bagay. Agad namang sumagot si Marga at sinabing mag-ingat ako. Nagmadali akong ayusin ang aking gamit, saka umakyat sa rooftop kung nasaan ang aking chopper. "Where are we heading, Sir?" tanong sa akin ng piloto. Tinapak ko ang aking paa sa handan ng chopper, saka ako sumakay sa loob. "Sa Isla De Escondido," tugon ko. Sinimulan niya ang mga dapat niyang gawin. Unti-unting umikot ang malaking elesi ng sinasakyan ko. At maya-maya lang, umangat na kami sa himpapawid. Matagal na akong hindi nakabibisita sa lugar na iyon. Kaya pala patuloy na sumas