Point of view - Ailana - Martinez - Maayos at matiwasay ang naganap na mga fashion show sa Pilipinas. Nagawa namin ang lahat ng naka-schedule sa amin at bilang pahinga, binigyan kami ng kompanyang pinagtatrabahuhan namin ng isang buwang bakasyon dito, bago muling bumalik sa Hong Kong. Nais kong sulitin ang ilang araw na binigay nila sa akin, kaya naman, nagdesisyon akong bumisita sa aking mga magulang sa Isla De Escondido. Naka-ayos na ang lahat ng aking gamit, ngunit may isang nangyari ang hindi ko inaasahan. Naubusan ako ng schedule flight papunta sa Palawan kaya kinabukasan pa ang aking lipad pauwi roon. Sabi na sabik na pa naman akong makauwi, ngunit wala rin naman akong magagawa, kaya pinili ko na lang ang magpahinga rito sa condo unit na na-book sa amin ng kompanya. Kasalukuyan