Point of view - Ailana Martinez - "Yana? Yana?" Naramdaman ko ang isang kamay na tumatapik sa aking paa. "Sandali lang po, nanay," tugon ko sa taong gumigising sa akin. "Anong nanay? Yana, gumising ka na. May trabaho ka ngayon 'di ba?" Mabilis na dumilat ang aking mga mata nang marinig ko ang tinig ni Tita Annalee, saka ko lang napagtanto na matagal pala akong nakatulog at ito ang unang araw ko sa trabaho. "Hala! Oo nga pala!" sigaw ko nang ako ay bumangon. Nakaramdam pa ako ng kaunting pagkahilo dahil sa bigla kong pagtayo, kaya pinahinga ko muna ang aking isip bago muling tumayo. "Anong oras na po, tita?" tanong ko kay Tita Annalee. "Alas nuebe na, hija. Naku! Baka pagalitan ka ng amo mo niyan. Bakit kasi hindi ka na lang niya roon pinatuloy?" "Mahabang istorya po, tita. Sige na