Point of view - Ailana Martinez - Nang ako ay makauwi sa tahanan ng aking amo. Ngayon ko lang nasaksihan ang galit niya sa akin. Alam kong napakabait niya, ngunit ngayong nadawit ang aking pangalan sa isang article at halos lahat ay nais malaman kung sino ako, tila nagbago ang kanyang ugali. Kahit malumanay niya akong kinausap nang araw na iyon, alam ko sa aking sarili ang nais niyang mangyari. Nais niyang mag-resign na ako dahil ayaw nilang madawit ang kanilang pamilya sa bagay na ito. Nababakas ang takot sa mata ni madame nang kausapin niya ako. Hindi ko naman siya masisisi, dahil maging ako ay nahihiya rin sa aking sarili. "Thank you for everything, ma'am," pagpapasalamat ko sa aking amo habang kami ngayon ay nakaupo sa sala. "I'm sorry, Yana. I hope you understand the situation."