Point of view - Eliseff Montemayor - "Eli!" Isang sigaw ang aking narinig na nagmula sa hindi kalayuan. Tumama ang aking tingin sa pinanggalingan ng magandang tinig ng babaeng iyon, nang makita ko siya, ang lahat ng pangamba, lungkot, at pait ng nakaraan ay tila naglaho na parang bula. Ang ngiti niya ang nag-iisang bagay na nagbibigay sa akin ng lakas. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa aking labi, saka itinaas ang aking kamay sa ere at kumaway sa babaeng naghihintay sa akin sa dalampasigan. "Yana!" sigaw ko pabalik sa kanya. Nang sa wakas ay makarating sa pampang ang sinasakyan kong yate, tila lumundag ang aking balikat nang salubungin ako ni Yana ng isang mainit at mahigpit na yakap. Ito ang pamilyang pinili ko. At dito sa islang ito, muling magsisimula ang aking buhay. Kasam

