Point of view - Eliseff Montemayor - Sa buhay, hindi mawawala ang pagsubok na ating haharapin at maaaring makapagpaluhod sa atin. May pagkakataong papasok tayo sa isang maling desisyon na maaaring sumira sa ating reputasyon. Ngunit hindi pa huli ang lahat upang ito ay itama. May mga bagay na sa pakiramdam mo ay tama ngunit sa mata ng iba ay mali. Mga bagay na pilit mong nilalaban ngunit buong mundo ang humahadlang. Tulad ng nangyari sa aking buhay. Aksidenteng nahulog sa isang maling relasyon. Aksidenteng umibig at bumuo ng inosenteng pagmamahal. Ngunit ito ay dahil sa pagkawala ng aking alaala noon, kaya hinayaan ko ang aking puso na mahulog sa inakala ko'y tamang tao. Hindi ko nais sabihing tama ang desisyon ko. Hindi ko ninais na ipahiwatig sa mundo na kailangan mong ipaglaban ang