Point of view - Ailana Martinez - Mabilis na humarurot ang aking kotse patungo sa sinabing lugar ni Paeng. Isang lugar sa Malaya Rizal ang sinabi niyang lugar na kanilang kinaroroonan. Malayo ang lugar na ito sa Maynila ngunit kahit gaano pa ito kalayo, tatahakin ko ito maligtas lang ang aking mga magulang at anak. Pilit kong pinakalma ang aking sarili upang maayos akong makapagmaneho. Kailangan kong maikondisyon ang aking isip. Hindi ako maaaring magpadala sa galit dahil alam kong tuso ang aking mga kalaban. Alam kong maaaring malagay sa panganib ang aking buhay, pati na rin ang bata na nasa aking tiyan, ngunit hindi ko kayang umupo na lang at walang gawing paraan. "Yana, ang lugar na kinaroroonan mo na ngayon ay Tanay Rizal. Maging alerto ka sa paligid," rinig kong sabi ng isang ti