Point of view - Marga Montemayor - Isang lighter ang aking ginamit upang sindihan ang sigarilyo na hawak ng aking bibig. Sa pagsindi niyo, isang hithit at pagbuga ang aking ginawa, saka muling tiningnan ang mga taong nakagapos hindi kalayuan sa aking kinaroroonan. "Hoy, Paeng! Ano na? Tinawagan mo na ba ang ex-husband ko?" iritable kong wika kay Paeng na ngayon ay nakatingin sa kanyang cell phone. "Sandali lang, 'wag kang excited. Nag-iisip pa ako ng paraan upang hindi tayo ma-trace ng mga pulis," pagsagot nito habang abala sa paghahanap ng solusyon upang hindi kami ma-trace once na tawagan niya si Eli. Muli akong tumingin sa mga bihag at tumama ang aking mata sa batang lalaki na iyon. Marahan akong tumayo mula sa aking pagkakaupo, saka lumakad palapit sa kinaroroonan ng tatlong ito.