Point of view - Ailana Martinez - Nang umaga na iyon, nagtungo kami ni Joseph sa ospital kung saan naroon si Nathan. Nakatanggap kasi kami ng tawag na maayos na raw ang kalagayan ni Nathan at gising na ito. "Daddy, nasaan po si Mommy?" tila nanghihina pang saad ni Nathan. "May pinuntahan lang anak," nakangiting wika ni Eli. Tumama ang tingin sa akin ni Nathan. Halos hindi ko matingnan sa mata ang batang noon ay aking inalagaan. Nanliliit ako sa aking sarili dahil ako ang naging dahilan kung bakit siya ngayon nasa ospital. "Ate Yana, masaya ako at nakita kita ulit," nahihirapang wika niya. Kahit halatang pagod ang kanyang katawan, pilit pa rin siyang bumati at ngumiti sa akin, dahilan upang tuluyang matunaw ang aking puso. Nagsimulang gumapang ang luha sa aking pisngi. Umupo ako sa