Point of view - Ailana Martinez - Umaga na nang imulat ko ang aking mga mata. Pakiramdam ko, ito na ang pinakamahabang tulog na aking nagawa simula nang mailigtas ako ni Eli. Mabilis na umayos ang aking pakiramdam simula nang muli ko siyang makasama. Marahil, siya talaga ang gamot na kailangan ng aking puso at isip. Sinubukan kong igalaw ang aking katawan mula sa pagkakahiga sa kama, ngunit naramdaman ko ang isang mabigat na bagay na dumadagan sa aking baywang. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang kamay ni Eli na nakadantay sa akin, animoy ayaw niya akong paalisin o hindi niya nais na lumayo ako sa kanya. Nakatutuwang titigan ang payapa at natutulog niyang mukha. Ngayon ko lang muling nakita na maging mas relax at refresh ang kanyang hitsura. Dahil nais ko pa siyang ti