Point of view - Ailana Martinez - Kailan nga ba dapat sumuko sa isang maling pagmamahal? Kailan mo ba masasabing tama ang bagay na pinaglalaban mo, kung alam mo sa iyong sarili na ito ay mali? Ano ba dapat ang iyong sundin? Ang isip na pilit tinatama ang mali? O ang pusong patuloy na nagmamahal sa taong may iba nang nagmamay-ari? Sa mga oras na ito, ang nais ko ay lamunin na lang ng lupa. Nais kong iwan na lang ang aking katawan at tuluyan nang lumisan, dahil sa pagkakataon ito, sinunod ko ang nais ng aking puso, ang pagnanais niyang gawin ang isang mali. Ang pagnanais ng aking puso na mahalin ang isang lalaking mayroon nang asawa at anak. *** Patuloy ang nag-aalab na halik sa pagitan namin ni Eli. Sa bawat paglaro ng kanyang dila sa loob ng aking bibig, hindi ko mapigilang hindi tum