Point of view - Ailana Martinez - "Tama na, Miggi. Tama na ang pagpapanggap." Narinig ko ang buntonghininga ni Eli saka tumayo mula sa sofa na aming kinauupuan. Mariin kong pinahiran ang luha sa aking mga mata bago muling magsalita. "No'ng araw na nakatulog ako kalapit si Nathan, ikaw ang sumusuklay sa aking buhok, 'di ba? No'ng sa elevator, sobra akong nagtaka kung bakit mo hinawakan ang aking kamay. No'ng magkayakap kayo ni Ms. Marga, hindi ako nagkamali ng hinala, nakatingin ka nga sa akin," sunod-sunod kong saad habang diretsong nakatingin sa kaniya. "Bakit, Miggi? Bakit kailangan mong magpanggap na nakalimutan mo na ako?" dugtong ko. "May magbabago ba kung malaman mo ang katotohanang hindi kita nakalimutan?" Mariin akong napalunok nang sabihin niya ang bagay na iyon. "Wala naman