Point of view - Ailana Martinez - Tulala ang aking mga mata habang nakatingin ako sa mga bagaheng dala ko ngayon. Kasalukuyan akong nakaupo sa waiting area ng bus terminal at hinihintay ang bus na magdadala sa amin sa bayan at mula roon, sasakay kami ng taxi patungo sa Puerto Princesa Airport. Minarapat na lang ni Kenji na sumakay kami ng eroplano dahil matatagalan daw kung kami ay sasakay sa car ferry. Mula roon, makararating kami sa Airport ng maynila at doon may susundo sa amin. Sagot niya ang aking pamasahe at ang sabi niya, bayaran ko na lang siya kapag nakaluwag na ako. Kasalukuyang bumibili si Kenji ng ticket para sa aming dalawa. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang bigat sa aking dibdib at ang hitsura ng aking anak nang siya ay aking iwan. Hanggang ngayon ay masakit pa ri