Abby's POV: "Gusto ko munang maikasal tayo bago tayo pumunta ng batangas." Yun ang sabi ni Luke. Sa totoo lang ay ayoko ng malaking handaan o mamahaling kasalanan. Nakipagtalo pa ako kay Luke dahil ang gusto niya ay magmumukha daw akong Reyna sa araw ng kasal. Napalunot ako ng malaman kong aabutin ng bilyon bilyong salapi ang gagastusin niya sa kasal namin kaya pinilit ko siyang sa huwes nalang ikasal. Sa huli ay pumayag din ito at mga kaibigan lamang namin ang imbitado dito. Natapos ang simpleng kasalanan namin ni Luke at isa na akong ganap na Mrs. Esteban. Eto na ata ang pinakamasayang araw na nangyare sakin. Pagkatapos ng kasalanan ay diretso reception na. Duon na mas magara dahil ginanap ito sa isang 5 star hotel dito sa pilipinas. Masaya ako at nakapunta ang mga kaibigan ko