Abby's POV: Ang laking pasasalamat ko sa Diyos na hindi niya pinabayaan si Luke. Masaya ako at kompleto na kami. Napagalaman kong buntis ako kay Luke noong mga panahong iniwan ako ni Corazon sa hospital. Mabuti na lamang at napakabait sakin ni Dra. Mendoza at hindi niya ako pinabayaan bagkus ay tinawagan niya ang kaibigan kong si Mindy para sabihin lahat ng sitwasyon ko. Mabuti na lamang at kabisado ko ang landline ng bahay nila. Ilang buwan pa ang nakalipas ay lumaki na ang aking tiyan. Kasabay non ang pag asa ko padin na magbabalik si Luke dahil hindi ako naniniwalang wala na siya. Mabait ang pamilya ni Mindy. Asikasong asikaso nila ako mula ng mabuntis ako. Maging ang aking anak na si Alaura ay hindi kinulang sa gamit dahil sa mga magulang ni Mindy. Hanggang sa magkita kaming mu