Luke's POV: Nakatayo lamang ako dito sa mismong veranda ng kwarto namin ni Abby. Nagsindi ako ng sigarilyo at linagok ang alak na nasa baso. Kinuha ko ang phone ko ang kinontact ang isa sa mga tauhan ko. "Anong balita?" "Boss mukhang nakatunog si Corazon nagtatago na." Napangisi ako. "Dapat lang na magtago siya dahil hindi ko siya titigilan." "May balita na ba kayo sa mag ina ko?" "Boss meron na po. Kompirmado nakatira siya sa bahay ng kaibigan niya yung Mindy." "Ano?!! Anak ng bakit ngayon mo lang sinabi tara na at puntahan natin. Hindi na ako makakatagal pa." "Sige boss Pauwi na kami." "Ang babagal niyo! Magkita nalang tayo dun. Mag dadrive ako." Hindi ko na pinatapos ang sinasabi pa nito dahil nataranta na ako. Gusto kong makita si Abby. Mababaliw na ako kapag tumagal p