Abby's POV: Dahan dahan ko ng kinuha ang anak ko, karga karga ko to ng umakyat na ako ng hagdan. Nakita ko pa si Luke na nakatayo sa gilid ko at tinawag ang pangalan ko. Hindi ko na ito pinansin at nag tuloy tuloy na ako. Sa totoo lang gusto ko ng umalis dito. Gusto ko ng lumayo kasama si Alaura. "Abby?" Tawag niya sa pangalan ko at sinusundan na niya ako. "Hey we have to talk. Alam ko ang iniisip mo." Sabi nito habang nasa likod ko. Pumasok na ako sa kuwarto at dahan dahan kong inihiga si Alaura sa kunan niya. Hinarap ko si Luke pagkatapos. "Sige kung yan ang gusto mo." Sabi ko. "Bakit kaba nagkakaganyan?" Maamong tanong nito. "Ikaw bakit ka ganyan?" Pabalik na tanong ko. Inis na inis na ako sakanya ng mga oras na yun. "Magpapaliwanag ako sayo." "Then go magpaliwanag k